Maja Salvador describes Sam Milby as ‘urong-sulong’

Maja Salvador says she and Sam Milby are just friends.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/8/2015 3:35 AM
Maja Salvador describes Sam Milby as ‘urong-sulong’


110715-majasalvador_PUSH.jpgPinuntahan ng Push.com.ph si Maja Salvador sa kanyang concert rehearsals para sa Majasty concert na magaganap sa November13 sa MOA Arena. Dito nagpa-interview si Maja at nagbigay reaction sa napapabalitang closeness nila ngayon ni Sam Milby.

"Hindi ko nga po alam kung saan galing ang balitang iyan pero magkaibigan kami ni Sam and mayroon kasi kaming group na nagkakausap sa isang phone app kaya siguro ganun."

Makahulugan naman ang naging sagot ni Maja sa description niya para kay Sam.

"Mabait at gentleman si Sam. Urong-sulong (laughs)."

Sinagot din ni Maja ang usapin na isa siya sa naiisip ng netizens na qualified na gumanap sa iconic role bilang Darna.

"Salamat sa kanila kasi isa ako sa naiisip nila para sa Darna. Napaka iconic ng role na yan at malaking responsibility yan dahil ilan na sa malalaking names sa showbiz ang gumanap sa role ng Darna."