• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo on marrying Matteo Guidicelli: ‘Siya yung gusto ko’

Sarah Geronimo on marrying Matteo Guidicelli: ‘Siya yung gusto ko’

Sarah Geronimo denies breakup with Matteo Guidicelli

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/6/2015 9:39 AM
Sarah Geronimo on marrying Matteo Guidicelli: ‘Siya yung gusto ko’


110615-sarah_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, kinaila ni Sarah Geronimo na break na sila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli. “Hindi naman po kami naghiwalay. Being able to love someone is liberating, ‘di ba?”

Nang tanungin si Sarah kung bakit niya nasabi yun, sinabi ng PopStar Princess na, “Ay siyempre  po, alam naman po natin yung mga pinagdaanan ko po in the past.”

Hiling din ni Sarah na sana ay ‘wag nang usisain ang detalye ng kanyang love life. Paliwanag niya, “Lahat ng tao may alam sa detalye ng relasyon namin. Kayo po ba kung mag-aasawa kayo o kung may asawa na kayo, gusto niyo po ba buong kapitbahay ninyo e alam ang nangyayari sa inyo?”

Hindi rin ni Sarah pinatulan ang pag-uugnay ng pangalan ni Shaina Magdayao kay Matteo. Leading lady ni Matteo si Shaina sa katatapos lang na Cinema One series na Single/Single.

Ayon kay Sarah, “Dumating na po ako sa pagkakataon na, isipin niyo kung ano ang gusto niyong isipin, sabihin niyo ang gusto niyong sabihin. Alam ko kung ano ang buhay ko, alam ko kung ano ang nangyayari sa amin.”

Sumagot din si Sarah sa pahayag ni Matteo na gusto na niyang pakasalan si Sarah sa loob ng tatlong taon. Ani Sarah, “Siya yung gusto ko, pero yung tanong na kung kami na talaga, only God knows.”