• Home
  • Fresh Scoops
  • Former Sexbomb dancer Sugar Mercado files physical abuse case against her husband

Former Sexbomb dancer Sugar Mercado files physical abuse case against her husband

Sugar also seeks a protection order from the court.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

11/7/2015 3:50 AM
Former Sexbomb dancer Sugar Mercado files physical abuse case against her husband


110615-sugar_main.jpgAyon sa report ng ABS-CBN News, nagsampa ng kaso laban sa kanyang asawa ang dating Sexbomb dancer na si Sugar Mercado, Biyernes ng hapon sa Quezon City Regional Trial Court. 

Maliban sa Anti-Violence Against Women and Children case or Republic Act 9262, nanghingi din sa korte si Sugar ng protection order sa asawang si Kristofer Jay Go at mga magulang nito. 

Base sa mga dokumentong isinumite ni Sugar sa QC RTC, noong 2010 pa ay diumano dumaranas na siya mula kay Kristofer ng ‘physical, emotional and economical abuse.’ 

Pinagbabantaan din daw ang buhay ni Sugar at ang kanyang pamilya, pati na rin ang pagkuha sa custody ng kanilang anak ng kanyang asawa. 

Kasama ng kanyang legal counsel na si Atty. Minerva Lopez (ng Gabriela Women’s Party) sinabi ni Sugar na lalaban na siya para sa kanyang anak at pamilya.  

"Ngayon, iyong sinasabi po nila na Sugar na bobo, na tanga, ito po ako, lalaban ako para sa anak ko at sa pamilya ko," sabi ng dating dancer. 

"Siguro naman po maraming tulad ko rin na babae na ganito ang sitwasyon. Oo, natakot po ako nung una pero ngayon po ay lalaban ako kasi may mga mabubuting taong tumutulong po sa akin," dagdag pa ni Sugar.

Hindi naman na nagbigay ng pahayag ang kampo ni Kristofer at sinabing may kaso na din silang isinampa laban kay Sugar. 

110615-sugar1_main.jpg

Main photo credit: http://z6.invisionfree.com/Sexbomb_Girls

WATCH FULL VIDEO HERE