• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo set for two-night “From the Top” concert at the Big Dome

Sarah Geronimo set for two-night “From the Top” concert at the Big Dome

The singer shares what her fans can expect from her concert this December.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2015 3:12 AM
Sarah Geronimo set for two-night “From the Top” concert at the Big Dome


110515-SARAH_main.jpgAlmost sold out na ang tikets para sa From The Top concert ni Sarah Geronimo na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Dec. 4, 2015 kaya during the press conference of the concert kanina (Nov. 5) ay ini-announce na magkakaroon ito ng second night (Dec. 5) para ma-accommodate ang mga gusto pang mapanood si Sarah sa Big Dome.

Ikinuwento ni Sarah kung paano nabuo ang From The Top concert at kung ano ang pagkakaiba nito sa mga unang concerts na nagawa na niya.

“Umpisahan ko po muna do’n sa concept, bakit tinawag naming siyang From The Top. Ang nakaisip po nu’ng title ng show ay si Teacher Georcelle (ng G-Force). Sabi namin, ‘anong gagawin natin this time around, paano natin maiiba ito sa previous shows na ginawa natin?’

“And ako, sabi ko, ‘ano nga ba talaga ang gusto kong gawin? Parang ano ba talaga yung gusto ko namang ipakita this time. Kasi parang sa previous shows ko, marami-rami na rin po yung nai-offer namin, so sabi ni Teacher Georcelle, ‘alam mo, Sarah,  sa tingin ko nasa transition stage ka, kasi hinahanap mo pa talaga yung sarili mo…’

“I mean po, as an artist, kasi yung title na sinasabi nila na you’re a Popstar Royalty, it’s just a title na binigay naman ng kung sino lang, so, ako, yon yung tanong sa sarili ko na ‘gusto mo ba talaga na maging pop star, ano ba talagan plano ko sa sarili ko, for my career, so yon yung sinabi sa akin ni Teacher Georcelle.

“So sabi niya, ‘why don’t we take it from the top?’ Wow, ang gandang title niyan, ah… From The Top, so mag-restart tayo and connected din siya sa aim ko, actually matagal ko na po itong dream, ‘no? Kasi when I watched an international show – foreign act – talagang music nila ang ibinibigay nila. As in, gagawa lang sila ng isang cover, dalawang cover and that’s it. Talagang music nila yung sini-sell nila.

 “So sabi ko, dream ko yan. Pag pumunta ako ng Amerika, pag tinour ko yan (concert) sa ibang bansa, gusto ko sariling musika ko ang ibinibigay ko, yung pini-perform ko sa stage. So, napagkonek-konek po namin. First time po namin gagawin sa show na magpo-focus po ako sa sarili kong mga kanta,” dire-diretsong paliwanag ni Sarah

Wala namang binanggit si Sara kung sino ang magiging guests niya sa concert.

“Wala pa naman pong final line-up ng guests. Kung meron man po o wala, surprise na lang po,” kaswal niyang pahayag.

Kasama sa mga magiging repertoire ni Sarah sa From The Top ay mix ng mga songs niya from the previous albums, especially daw yung mga songs na nagustuah niya pero hindi na-release. Kakanta rin daw siya ng few tracks from her latest album.

Napansin naman namin ang tila pagpayat ni Sarah ngayon kaya tinanong naming siya kung part ba ito ng preparasyon niya sa concert.

“Nagwo-workout po ako in preparation for the concert. Kasi siyempre po, two nights tayo, gusto ko pong maging ma-improve yung stamina ko. Kailangan pong palakasin ang katawan – mentally, emotionally, physically,” nakangiti niyang reaksyon.

Eh, kumusta naman siya emotionally?
“Lahat ng nangyayari sa buhay natin, ay parte yan ng growth mo bilang isang tao, spiritually, mentally… yan po, lahat yan,” nakangiti ulit niyang sabi.

Eh, kumusta ba naman ang puso niya ngayon?

“Masaya naman po ako, masaya naman po” sagot agad niya. 

“Importante na titingnan natin yung magagandang  nangyayari sa buhay natin, nagpo-focus tayo sa positive na nangyayari sa buhay natin para hindi po tayo nalulugmok, di ba?” pagdi-describe ng singer-actress na ipinagtaka naman ng entertainment press dahil bakit nga naman may word na “nalulugmok.”

Pero kaagad namang bumawi si Sarah at sinabing, “Lahat naman po tayo, dapat we should count our blessings and appreciate them and thank God for every blessing, di ba po?”

Ang From The Top to be directed by Paolo Valenciano with Louie Ocampo as musical director.