• Home
  • Fresh Scoops
  • International fashion designer Francis Libiran to grace America's Next Top Model once again

International fashion designer Francis Libiran to grace America's Next Top Model once again

The designer says it's an honor for him and the country.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/6/2015 3:13 AM
International fashion designer Francis Libiran to grace America's Next Top Model once again


110815-francis_main.jpgMuling mapapanood ang Filipino international fashion designer na si Francis Libiran sa isang episode ng 12th season ng "America's Next Top Model" na napapanood ng live sa Amerika ngayong November 6 at mapapanood dito sa Pilipinas sa November 7. 

Personal na pinili muli ng supermodel na si Tyra Banks si Libiran para bumalik sa show at gumawa ng bagong collection na magiging bahagi ng last challenge ng final five hopefuls.

Matatandaan na huling naimbitahan si Francis sa 18th cycle ng show kung saan markadong napanood ang kanyang Hello Kitty collection na napanood noong 2012. 

Ayon sa designer, malaking karangalan ito muli para sa kanya at sa ating bansa. 

“To be part of this legendary TV show for the second time, is again, an honor not only for me, but also for the Philippines"

Nasa dibdib ni Francis ang bandila ng Pilipinas sa kanyang suot sa episode na ito ng ANTM na talaga naman nakaka proud na ipinagmamalaki niyang siya ay isang Filipino.

Kinakabahan pa rin daw si Francis sa kanyang experience kahit hindi na siya baguhan sa international scene.

We got so thrilled and excited when we got the call form Tyra’s team. It was a surreal experience as it is an honor and a privilege to represent Filipino talent and artistry in such an international and well-respected platform as America’s Next Top Model.”