Nadine Lustre speaks up about feeling depressed

Nadine Lustre admits being depressed because of personal issues.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/5/2015 5:09 AM
Nadine Lustre speaks up about feeling depressed


110415-NADINE_main.jpgSa panayam ng ABS-CBN News reporter na si Gretchen Fullido sa On the Wings of Love star na si Nadine Lustre, inamin niyang siya ay may pinagdadaanan sa kanyang personal na buhay.

"I was feeling depressed. Basta personal. It's not with my career,” ang maikling sagot ni Nadine.

Noong October 19, nag post ang aktres sa kanyang Instagram ng isang mensahe na nagpapahiwatig na may pinagdadaanan nga siya. Ikinabahala naman ito ng mga fans ni Nadine.


“It's gotten to the point where I don't know who I am anymore."

"I constantly feel like I'm on the verge of breaking down. I feel like my mind is going crazy, and if my mind is an ocean, my thoughts are a tsunami."

"I can't sleep, I can't concentrate, I can't even think straight. I am a mess. I'm coming apart at the seams and it scares me," nakasulat sa post na kalaunan ay binura din niya.

Dagdag pa ng aktres, nakatulong naman ang pinagdadaanan niya para magampanan ang role na Leah sa OTWOL ng maayos.

Hindi ko alam kung dahil ba kay Leah kaya ako nagkaganoon [feeling depressed] o dahil ba talaga sa issues ko in my personal life kaya na-pull off 'yung pagiging ganoon niya.”

Inamin niya rin na nahihirapan siyang humiwalay sa role niyang si Leah.

“I can't really disconnect with my character. There's really no time to release kasi work, work lang talaga.”

Kahit na may pinagdadaanan siya, nagpapasalamat pa rin naman daw siya dahil ‘blessing’ itong show sa kanyang career.

“I'm really thankful kasi this is a blessing. Everything about it is a blessing. Parang two years ago, I wish na mangyari to sa akin so ngayon it is happening, so I'm just really thankful,” sabi ng aktres.