• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano reacts on Angel’s health condition and “Darna”

Luis Manzano reacts on Angel’s health condition and “Darna”

Luis Manzano also has advice for the next Darna.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/5/2015 5:10 AM
Luis Manzano reacts on Angel’s health condition and “Darna”


110415-angel_main.jpgSa isang panayam kay Luis Manzano, ikinuwento niya ang pinagdaanan ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin na may sakit na disc buldge sa kanyang spine. Si Angel ang dapat na gaganap sa remake ng Star Cinema ng Darna ngunit kinailangan nitong umatras dahil sa kanyang kalagayan.

Napakaraming mga Kapamilya ang naghihintay na suotin niya uli ang costume at makipagbakbakan siya uli bilang Darna. For me as her boyfriend and as a fan, the fact that she cannot fly again as Darna, nakakalungkot,

Dati ko pang alam na may problema ang likod niya. Paminsan-misan masama ang sumpong, minsan naman okay. In fact, there was one time, two months ago. I think lumabas naman sa news na na-confine siya. Nasa Batangas ako. I was diving and then I got a call that she was being rushed to the hospital. Talagang kinansel ko 'yung dive, punta agad ako. She was in extreme pain,

“Uusog lang sa kama ng two inches, kunwari nasa dulo siya ng kama pupunta siya sa gitna, halos umiiyak siya sa sakit,” kwento ng aktor sa interview niya sa PEP.ph.

Pinapagaan naman ni Luis ang loob ng kasintahan at sinabing, “I always tell her the world does not end with the Darna role. There’s so much more that could happen para sa kanya, bigger things would come. I know ABS (CBN) and Star Cinema will give her something bigger, something fulfilling as an actress."

Samantala, may payo naman siya sa magiging kapalit ni Angel bilang Darna.

Ang daming puwede, ang dami din naman magaganda at magagaling na puwede namang magsuot ng costume ni Darna. Pero siyempre, iba kasi 'yung angas ni Angel. Si Angel kasi does her own stunts, 'yung fight scenes, as much as possible. Walang double, double.

Siguro kung sino man, they have to go through a lot of training, it’s not a simple magandang role lang. Kung sinuman ang magsusuot ng costume ni Darna should understand the responsibility of portraying Darna.”