EXCLUSIVE: Mahal on ex-BF: ‘Move-on na!’

Mahal says she is happily married and wants her ex-boyfriend to stop disrupting her life.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/5/2015 7:51 AM
EXCLUSIVE: Mahal on ex-BF: ‘Move-on na!’


110515-MAHAL_main.jpgIsang tawag ang natanggap namin mula kay Mahal noong isang gabi (November 3) na nakikiusap na sabihin namin sa ex-boyfriend niyang si Aries Navarro na tigilan na siya at huwag nang guluhin pa.

Si Mahal, 40 years old, ay ikinasal sa 25-years old non-showbiz guy na si Jobbie Herbio. Ginanap ang kanilang civil wedding noong November 2 sa Quezon City Hall. Nakilala daw niya si Jobbie sa pamamagitan ng kanyang pinsan na si Prince.

Ayon kay Mahal, maligaya siya na nakatagpo ng lalaking tunay na nagmamahal sa kanya.

“Siyempre, hindi na ako bata. Kailagan ko rin naman ng makakasama at mag-aalaga sa akin. Hindi naman ako puwedeng umasa kay Aries,” pahayag ni Mahal.

“Pakisabi naman sa kanya na sana huwag na niya akong guluhin. Masaya na ako ngayon. Mahal ko ang asawa ko,” sey pa ng komedyante.

Tinanong namin si Mahal kung sa palagay ba niya ay minahal siya ng dating kasintahan at ang sagot niya ay, “Hindi ko alam kung minahal nga niya ako. Pero parang hindi, eh. Pakiramdam ko, ginamit niya lang ako,” reaksyon niya.

Hindi na namin puwedeng isulat ang mga sumunod na sinabi ni Mahal tungkol kay Aries at sa kapatid nitong si Jenny dahil nakiusap siya. “Ayoko na lang magsalita, pero sana naman, huwag nilang palabasin na ako ang masama. Wala akong ginagawang masama sa kanila,” sabi ulit niya.

Tinawagan si Mahal ng Rated K para interbyuhin pero tumanggi siya.

“Ayokong magpainterbyu sa TV. Gusto ko munang manahimik kaya sa ‘yo lang ako tumawag. Kaya sa mga reporter na gusto akong kausapin, hindi po ako nagpapainterbyu. Gusto ko muna ng tahimik na buhay ngayon. Pasensya na po,” pakiusap niya.

Hangad din ni Mahal na makapag-move-on na ang dating kasintahan na may girlfriend na ring iba ngayon.

 “Move-on, move-on din ‘pag may time. Sana ay maging masaya siya sa akin ngayon,” message niya sa ex.

“Pero kapag hindi niya ako tinigilan, magagalit talaga ako at hindi niya magugustuhan kapag nagalit ako,” banta pa niya.
 
Kasalukuyang nakikitara si Mahal sa isang kaibigan kasama ang asawang si Jobbie.

Samantala, thankful kami sa tawag ni Mahal para i-air ang kanyang side dito sa Push.com.ph. After this brief interview, hindi na raw talaga siya magsasalita.

“Gusto ko na muna nang tahimik na buhay. Hindi muna ako lalabas sa TV,” sey pa niya.