• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Director Jason Paul Laxamana still can’t get over working with Star Cinema

EXCLUSIVE: Director Jason Paul Laxamana still can’t get over working with Star Cinema

Director Jason Paul Laxamana on working with Star Cinema: ‘Hindi pa ako nakaka-get over sa disbelief, medyo lutang pa ako’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/5/2015 7:47 AM
EXCLUSIVE: Director Jason Paul Laxamana still can’t get over working with Star Cinema


110515-JASONLAXAMANA_main.jpgAng Astro Mayabang ni Arron Villaflor na entry sa Cinema One Originals noong 2010 ang unang pelikulang ginawa ni direk Jason Paul Laxamana. Nasundan ito ng pelikulang Babagwa ni Alex Medina na entry naman sa Cinemalaya.

Pangatlong pelikula niya ang Magkakabaung (The Coffin Maker) na rumampa na sa iba’t ibang international film festival at nagpanalo pa kay Allen Dizon ng nine na best actor trophies, local and international.

“Siyempre, overwhelm din sa naging resulta. Happy din ako for Allen kasi before that, I always thought na he was underrated, so at least through my film, napansin siya finally,” kuwento ng director.

Ayon kay Direk Paul, malaki rin daw ang naitulong ng Magkakabaung sa kanyang career bilang director.

“I think, karamihan ng mga film projects ko ngayon ay dahil sa success ng Magkakabaung. Like for example, yung ginagawa ko sa Star Cinema na 100 Poems for Stella, nalaman nila about me kasi nakausap nila yung Cinema Evaluation Board and naghahanap sila ng filmmakers na bago na puwedeng gumawa ng pelikula under them, and since graded A kami do’n, they referred me,” kuwento niya sa Push.com.ph.

Nag-pitch ng project si Direk Paul sa core group ng Star Cinema at masuwerte raw naman na nagustuhan agad nila ito. Gagawin niya raw ang pelikula pagkatapos ng indie film na Nuclear Family na pinagbibidahan ni Snooky Serna under BG Productions.

Sa huling update sa project niya sa Star Cinema, dapat ay pagbibidahan ito nina Jessy Mendiola at JM de Guzman, pero dahil sa hindi maiiwasang mga pangyayari, napalitan na ang cast.

“Hindi ko pa kasi alam ang buong kuwento, pero nanghihinayang ako na hindi na siya (JM) yung sa amin, kasi magaling siyang aktor at yon lang naman ang basehan ko don.”


110515-JASONLAXAMANA_main.jpgSa part daw ng lead actress, wish ni Direk Paul na ma-retain si Jessy.

Eh, ano ba ang feeling na “mainstream director” na siya lalo na ngayong may pelikula na siya sa Star Cinema?

“Minsan napapaisip din ako na, ito na ba talaga yon? Kasi siyempre, nung nagsisimula ka pa lang, target mo talaga ay maging isa sa mga director na napapanood mo sa sinehan. Then, now that I’m here, parang minsan, kami ng nanay ko, ‘totoo ba talaga ito?’

“Kasi, it’s a rare opportunity for someone to be a director sa Pilipinas tapos  to be working pa sa number one film production sa bansa... Hindi pa ako nakaka-get over sa disbelief, medyo lutang pa ako.

“Hindi pa nagsi-sink-in sa akin. Siguro, pag nag-premiere night na or kapag nasa sinehan na talaga na kahit anong mall yung puntahan mo, makikita mo yung poster with your name on it, don pa lang siguro magsi-sink-in sa akin,” reaksyon ng director sa kanyang nararamdaman.

Okey din para sa director na magdirek ng TV kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Ideally, gusto kong mag-stick sa film pero who am I to resist sa offer na ganu’n? Hindi naman ako ganu’n kayaman, and yung pera nasa TV madalas, eh,” sabi pa niya.

Meanwhile, isang mapangahas na pelikula ang Nuclear Family ayon kay Direk Paul. Kuweneto raw ito ng isang malungkot na babae na gagampanan ni Snooky na may mga alagang “boy toys.”

Kasama rin sa pelikula si Arron Villaflor at Rodjun Cruz. Isasali raw ang pelikula sa iba’t ibang international film festival.