• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn, Daniel, Ian, and Jodi give teasers on upcoming big scenes in Pangako Sa ‘Yo

Kathryn, Daniel, Ian, and Jodi give teasers on upcoming big scenes in Pangako Sa ‘Yo

What’s next for Yna and Angelo?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/1/2015 12:14 AM
Kathryn, Daniel, Ian, and Jodi give teasers on upcoming big scenes in Pangako Sa ‘Yo


113015-psy_PUSH.jpgJam-packed ang Fairview Terraces Mall kahapon sa Fans Day at Thanksgiving show ng lead stars ng top-rating teleserye  Pangako Sa ‘Yo, na pinangungunahan ng tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Maagang nag-abang ang followers ng serye, na karamihan ay galing pa sa malalayong probinsya na umarkila ng sasakyan para mapanood ng personal ang kanilang hinahangaang artista. 

Sa backstage, exclusive natin na nainterview ang lead stars ng PSY at excited na nag kuwento si Kathryn sa nalalapit na pagkikita nina Yna at Angelo na papel nila ni Daniel sa serye.

"Malapit na malapit na! Alam namin na na-miss nila na mapanood nila kami ng magkasama, so malapit na nila yan mapanood. Kaya sana abangan nila ang pagkikita naming," sabi ni Kathryn. 

Si Daniel, masaya rin na sa wakas magkikita na ang kanilang mga characters na matagal ng hinihintay ng mga manonood.

"Happy ako, siyempre dahil ang tagal-tagal na rin hinihintay ng supporters, so eto na magkikita na sila!" excited na sabi naman ni Daniel. 

Si Jodi Sta Maria naman, na applauded ang performance bilang Amor Powers, hindi inakala na makakapag-pakilig pa sila ni Ian Veneracion, na gumaganap namana bilang Eduardo Buenavista. May edad na nga naman daw sila ni Ian para tawagin pa bilang love team.

"Nagpapasalamat dahil may matatanda rin na tumatangkilik sa aming love team. Sana nga dapat partnership kasi ang love team lang Kathniel yun, pang bata, sa edad namin dapat love team pa ba?" natatawang sambit ng aktres. 

Si Ian naman, nagpapasalamat kay Jodi, na magaan ka-trabaho kaya’t inaabangan niya ang maka-eksena ito ng mas madalas sa PSY.

"Maski kami naman inaabangan namin ang scenes namin together, kasi ako sobranh nag-eenjoy ako working with Jodi," dagdag pa ni Ian. 

Bago matapos ang Thanksgiving Day, namigay ng maagang pamasko ang PSY lead cast sa less fortunate kids na kabilang sa mga nanood sa kanilang mall show.

CHECK OUT PHOTOS: Jampacked #PSYThanksgivingDay in Fairview