Bret Jackson reveals James Reid’s type of girl

The former PBB housemate shares what his friendship is like with “On The Wings of Love” star James Reid.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/1/2015 12:12 AM
Bret Jackson reveals James Reid’s type of girl


113015-bretjames_PUSH.jpgHanggang ngayon ay very close pa ring magkaibigan sina James Reid at Bret Jackson. Wala raw nagbago sa kanilang samahan kahit pa mas sikat si James kumpara kay Bret.

“He’s always sleeping at my house. Because I live in Quezon City, so siyempre, he goes to ABS-CBN for ASAP or something so, ‘hey man, I don’t wanna drive from Makati can I stay at your house…’ ganu’n,” kuwento ni Bret.

Ayon pa kay Bret, isang simple at tahimik na kaibigan daw si James.

“James is the same James as ever. He’s just like, he only has a few friends like me and parang kami lang. He’s like the same guy, he doesn’t really talk to many people.

“Some people may say like he’s a snob or something, but he’s just quiet lang talaga. Ganu’n lang talaga siya, eh,”pahayag pa niya.

Tinawanan naman ni Bret ang tanong namin about sa impression na playboy silang magkaibigan.

“That’s okay!” cool na cool niyang reaksyon.

At least there is no issue na ‘oh, Bret and James are gay.’ Ha-ha-ha! It’s never like that,” sabay tawa niya nang malakas.

Pero never daw naman siyang nakarinig ng balita na pinagdudahan ang kanilang sekswalidad.

“That never happens. Wala namang ganu’n. Ha-ha-ha! I think it’s because everyone knows na James and I, especially before, are close friends talaga,” patuloy niyang kuwento.

Hindi rin daw siya natatakot kung saka-sakaling magkakaroon ng isyu sa kanila ni James.

“No! Everyone knows that James likes girls and I like girls too,” reaksyon pa niya.

Pagdating naman daw sa pakikiparelasyon sa babae, aminado siyang mas seryoso dito si James.

He’s more serious kasi he was in a long relationship before,” sagot niya.

Eh, sino ba sa tingin niya ang unang magse-settle down sa kanilang dalawa?

“It depends on who’s gonna have a kids first. Ha-ha-ha!” pabiro niyang sabi na sinundan pa ng, “Joke lang, joke lang! Ha-ha-ha!”

Nalaman din namin na magkaiba pala ng taste pagdating sa babae sina Bret at James.

Ang type daw na babae ni James ay morena na may pagka-skinny. Siya naman, ang gusto raw niya ay short girls.

“We’ve never liked the same girl ever. And that’s the good thing, we’re so alike but we’re completely different pagdating sa ganu’ng bagay,” nakangiti niyang pagtatapos.