Nadine Lustre picked by netizens to be the next Darna

Nadine Lustre got the highest vote in PUSH’s latest poll.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/4/2015 5:10 AM
Nadine Lustre picked by netizens to be the next Darna


110315-naidne_main.jpgSa isinagawang poll ng Push.com.ph, mukhang ang On the Wings of Love star na si Nadine Lustre ang napupusuan ng mga netizens na pumalit kay Angel Locsin bilang Darna.

Sa total na 5,999 votes, si Nadine ang nakakuha ng pinakamataas na boto kasunod naman si Liza Soberano. 48% ang total vote kay Nadine samantalang 24% naman kay Liza. Sumunod rin naman sa poll ang Pangako Sa’Yo star na si Kathryn Bernardo na may 8% ng boto.

Bukod sa tatlong nagsisikatang teen actresses, si Maja Salvador ang sumunod kay Kathryn na may 7% ng mga boto. Pare-pareho namang nakakuha sina Kim Chiu, Julia Montes at Jessy Mendiola ng 4% ng mga boto. Kasama rin sa listahan si Janella Salvador na nakakuha lamang ng 1% ng boto.

Gayunpaman, wala pang opisyal na announcement mula sa Star Cinema at ABS-CBN kung sino ang papalit kay Angel bilang Darna ngunit nasabi na ng aktres na may napili nang papalit sa kanya ang network.

WATCH: Angel Locsin comments on new Darna: ‘Perfect siya para sa role’