• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Mahal’s ex-boyfriend can’t accept she’s now married

EXCLUSIVE: Mahal’s ex-boyfriend can’t accept she’s now married

Mahal’s ex-boyfriend Aries speaks up about being two-timed by her.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/4/2015 5:08 AM
EXCLUSIVE: Mahal’s ex-boyfriend can’t accept she’s now married


110315-mahal2.jpgPanay ang padala ng PM (personal message) sa amin ni Thyrone Belleza Navarro (Aries) tungkol sa mga hinaing niya sa katatapos lang na pagpapakasal na ex-girlfriend niyang si Mahal (Tesorero) kay Jobbie Palmones Hebrio.

Ayon kay Aries, siya raw ang unang niloko ni Mahal bago pa siya nakipag-engage sa bagong kasintahan.

“Makikita naman po sa post nila na nu’ng June pa lang ay magkakilala na yung guy at si Mahal. Alam naman niya na jowa ko si Mahal, bakit kailangang agawin sa akin? Pero that’s life. The story is over between Mahal and me,” sintemyento ng ex-BF ni Mahal.

Sa interview ng Rated K sina Mahal at Aries, kapwa masaya pa ang dalawa noon.

“Kung alam ko lang na may BF na si Mahal noon hindi na sana ako nagpainterbyu sa Rated K dahil alam kong magde-degrade na naman ako. Pero inilihim yon ni Mahal sa akin,” pahayaa ni Aries.

May mensahe naman ang dating kasintahan kay Mahal. “Congratulations and happy wedding Mahal. Masakit man pero gusto ko ring maging maligaya ka at wala na akong magagawa.”

Ginanap ang civil wedding nina Mahal at Jobbie noong November 2 sa Quezon City. Mahal is already 40 years old at ang napangasawa niya ay 25 years old lamang na nagtatrabaho bilang waiter sa isang bar.

“Sana ay mahalin ni si Mahal at alagaan na katulad ng ginawa ko at ng pamilya ko sa kanya,” sabi pa nito.

Samantala, hindi naman matanggap ni Aries na binastos siya diuumano ng bagong lalaki ni Mahal.

“Nasaktan ako dahil hinayaan ni Mahal na bastusin ako ng BF niya at hindi niya naisip na meron din kaming pinasamahal ng halos tatlong taon.

“Oo, hiniwalayan ko si Mahal at humanap na rin ako ng iba dahil may kulang sa kanya, pero minahal ko siya bilang parte ng pamilya ko. Sana ay maging maligaya siya,” diin pa ni Aries na nagtatrabaho ngayon sa Saudi Arabia.

Photo credit: Mahal Tesorero's Facebook