
Ayon sa fan na si Inah Evans, sinabi nitong pumunta siya sa bar para makita at makapagpalitrato ng personal sa kanyang idol. Kaso lang sinabi daw sa kanya ni James na sa ibang araw na lang siya mag-papicture. Sinabi ni Inah malamang tinanggihan siya ni James dahil busy itong ‘kissing and flirting’ with Julia.
Binura na din ni James ang post na ito pero nagbigay pa din ng kanyang saloobin si Inah sa kanyang sariling Facebook account. Nabash man at namura ng ibang fan ni James, naninindigan ito sa kanyang mga nakita at sinabi.

Noong June, unang napabalitang nakita na magka-date umano si James at Julia sa isang coffee shop. Mariin namang pinabulaanan ito ni James at sinabing ni di niya alam ang cellphone number ni Julia.
Huling nagsama si James and Julia sa pelikulang “Para sa mga Hopeless Romantic” with their respective on-screen partners na sina Nadine Lustre at Inigo Pascual.