• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jerome Ponce enjoys being Janella Salvador’s love interest in ‘Haunted Mansion’

EXCLUSIVE: Jerome Ponce enjoys being Janella Salvador’s love interest in ‘Haunted Mansion’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/29/2015 6:10 AM
EXCLUSIVE: Jerome Ponce enjoys being Janella Salvador’s love interest in ‘Haunted Mansion’


112915-JEROME.jpgMasayang ikinuwento sa Push.com.ph ni Jerome Ponce na iba ang pakiramdam niya ngayong nakagawa na siya ng pelikula na kasali pa sa Metro Manila Film Festival sa December 25—ang Haunted Mansion ng Regal Films na idinirek ni Jun Lana.

“Dati kasi, pa-TV-TV lang. Nag-start sa Be Careful With My Heart tapos sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, tapos ngayon, may movie na, ang sarap ng pakiramdam. Parang artista ka na talaga dahil hindi ka na lang sa TV napapanood, makikita ka na rin sa pelikula,” kuwento ng binata.

“Naramdaman ko rin po na ang laki ng pagkakaiba. Bagong mundo kumbaga. At saka, mas patient ka dapat sa movie pala. Sobrang saya talaga,” dagdag pahayag ni Jerome.

Nakadagdag rin daw ng saya na bukod sa first movie niya ang Haunted Mansion, mga kasamahan niya dati sa Be Careful With My Heart like Janella Salvador and Marlo Mortel ang kasama niya sa pelikula.

“Oo, sakto nga na sila pa yung kasama ko. Nakagaan sa trabaho naming na kilala na namin ang isa’t isa. Wala nang masyadong adjustment.”

Ayon pa kay Jerome, medyo nag-level-up na raw ang partnership nila ni Janella. Kung dati ay magkapatid sila sa Be Careful With My Heart, ngayon daw ay love interest na nila ang isa’t isa.

“Well, before naman kasi, caring ako sa kanya as a kapatid but more on friends kami talaga. Close friend kami talaga.

“Kasi nu’ng sa Be Careful, kahit magkapatid kami, hindi niya naia-adopt off screen yung mga ginagawa namin. Nu’ng natapos yung Be Careful, nando’n pa rn yung pagkakaibigan namin, so pagdating dito (Haunted Mansion), in-enjoy lang namin at lalong natuwa kami,” kuwento pa niya.


Hindi naman maamin ni Jerome na mas malalim na ang namamagitang friendship sa kanila ngayon ni Janella.

“Same lang naman tulad dati. Kahit nagkaroon ako ng ibang ka-love team ganu’n pa rin naman. Well, hindi maiiwasang nagkakaroon ng misunderstanding kami, tampo-tampo, pero okey naman kami.”

Eh, anong madalas nilang pagtampuhan sa isa’t isa?

“Wala, simpleng tampuhan lang yon… Basta, huwag na lang. Sa kanya mo na lang itanong para siya na lang ang magsabi non. Hehehe,” pag-iwas pa niya.

Nang tanungin namin siya kung kumusta na sila ni Jane Oineza na kapareha niya sa Nasaan Ka Nang Kailangan kita, ayon sa binata, “As of now, kakatapos lang ng vacation niya, nakita ko yung mga pictures niyang pinost. And she’s enjoying naman, wala akong naririnig sa kanya.”

Kung masusundan pa ang tambalan nila ni Jane ay hindi pa raw niya alam.

“Kasi wala na akong naririnig, pero malay natin. I hope, kahit papaano maging magkatrabaho ulit kami. Friend ko rin naman siya,” sey pa niya.

Nang tanungin naming si Jerome tungkol sa tsismis na meron siyang non-showbiz girlfriend ay natawa lang ito.

“Wala akong love life, puro trabaho lang ako,” reaksyon niya.

Gusto raw muna niyang mag-ipon dahil meron siyang pinaghahandaan bilhin. “Tapos ko na kasing bayaran yung Fortuner ko. Nagsi-save ako ng money ngayon kasi meron akong gustong bilhin. Saka ko na lang sasabihin sa ‘yo kung ano yon,” pahayag pa ni Jerome.