• Home
  • Fresh Scoops
  • Bret Jackson speaks up about his breakup with Andi Eigenmann

Bret Jackson speaks up about his breakup with Andi Eigenmann

Bret Jackson also clears up rumors about his relationship with Ella Cruz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/29/2015 5:07 AM
Bret Jackson speaks up about his breakup with Andi Eigenmann


112815-BRETT2_main.jpgBret clarifies rumors na si Ella ang ipinalit niya kay Andi: We’re not official
 
Four months lang pala tumagal ang relasyon ni Bret Jackson kay Andi Eigenmann. Ito ang naging pag-amin ng binata sa Push.com.ph nang makausap namin siya sa presscon ng Angela Markado na pinagbibidahan ng ex-girlfriend niya.

“Tapos na, hindi na kami. Short[lived lang yung sa amin, hehehe,” pag-amin niya.

“Andi and I are almost best friends. We still talk,” dagdag pa niya.

Pero kaagad namang itinanggi ni Bret na si Ella Cruz ang ipinalit niya kay Andi. Wala raw silang relasyon ng dalaga pero nagdi-date naman daw sila.

“We’re not official,” paglilinaw agad niya.

“Yeah, we’re dating, a few times, once in a while. But it’s just been kind a hard lately because parehas kaming busy, especially her, right now she’s doing a lot.

“Ako din, almost everyday, different taping so we don’t see each other and it’s kinda hard. Text-text lang kami,” kuwento ni Bret.

Eh, ano na ba ang label ng relasyon nila ni Ella?

“I don’t now. Siguro dating lang,” natatawa niyang sagot.

Ano ba ang nagustuhan niya sa dalaga?

“She’s simple, she’s sweet and then she’s very understanding. And she’s funny also,” pagde-describe pa niya kay Ella.

Inusisa na rin namin kay Bret kung paano sila naghiwalay ni Andi. Ayon sa binata, okey daw sila ngayon ni Andi

“Andi and I are both 24, I think we’re old enough to… we had our relationship tapos it didn’t work out. Why we’re going to be mad at each other, because it didn’t work out? Friends kami, matured naman kami.”


112815-BRETT2_main.jpgPero katulad ng ibang naghihiwalay, hindi rin naman daw sila agad naging friends ni Andi.

“When you break up with some one, siyempre mahirap din yon at first, pero eventually okey na rin. Why be mad at each other, let’s just be friends,” kuwento pa niya.

Eh, sino ba ang nag-initiate ng breakup nila noon?

“That’s pretty much mutual. At that time, she’s wanted to focus on Ellie and work, and as you can see, she’s so focused right now, from everything,” pahayag niya sa amin.

Nakatulong din daw sa madali nilang pagmo-move-on na madalas silang nagkakasama sa mga events ng Viva.

“Siyempre, you go out to each other, beso-beso and from the beso turns to talking and from the talking turns to, ‘you know what, let’s be friends, and then oh, sige.”

Wala namang pinagsisisihan si Bret kahit hindi sila nagtagal ni Andi. Basta ang importante daw ay naging masaya sila noon. “I had a lot of happy times with Andi,” sabi pa niya.

Palabas na sa Dec. 2 ang Angela Markado kung saan gumaganap si Bret na boyfriend ni Andi. The film is written and directed by Carlo J. Caparas.

Main Photo credit to bretwaw IG