• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss International Queen 2015 Trixie Maristela shares her pageant experience

Miss International Queen 2015 Trixie Maristela shares her pageant experience

Miss International Queen 2015 Trixie Maristela talks about her plans after winning the pageant.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/27/2015 8:52 AM
Miss International Queen 2015 Trixie Maristela shares her pageant experience


112715-trix_main.jpgNakabalik na sa bansa ang transgender beauty queen na si Trixie Maristela mula sa Thailand kung saan siya kinoronahan bilang Miss International Queen 2015, ang pinakamalaki at prestigious na beauty search para sa transgenders. Sinalubong natin sa airport si Trixie at agad na nagpa-interview.

"Ngayon pa lang po nag sink in sa akin ang lahat ng nangyari nakakatuwa po and siyempre nakaka-proud na naibalik natin sa bansa ang korona."

Ayon kay Trixie, maganda ang naging experience niya sa ating bansa at ng kapwa transgenders na naibahagi niya sa pageant.

"Palaban kasi tayo dito sa atin. Hindi pa kasi ganun ka tanggap ang transgenders dito dahil mayroon pa rin binubugbog, nahihirapan makahanap ng trabaho, hindi makapasok sa ilang establishments. And yung descrimination nandyan pa rin kaya yan siguro ang nagpapalakas sa atin kaya palaban tayo at nakita nila yun."

Open si Trixie sa kahit anong posibilidad na pwede niyang simulan dahil sa korona na kanyang naiuwi. Game din daw siya kung mag showbiz or hosting ang kanyang maging trabaho. 

Sa kanyang personal na buhay, six years na ang relationship ni Trixie kay Art Sta. Ana na sumulat ng libro na She’s Dating the Transgender.