• Home
  • Fresh Scoops
  • Buboy Villar wins Achievement in Acting at Guam International Film Festival for ‘Kid Kulafu’

Buboy Villar wins Achievement in Acting at Guam International Film Festival for ‘Kid Kulafu’

Buboy Villar says he really didn’t expect to win the Best Actor award at the Guam International Film Festival.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/27/2015 8:51 AM
Buboy Villar wins Achievement in Acting at Guam International Film Festival for ‘Kid Kulafu’


112715-buboy_main.jpgNanalo si Buboy Villar ng Achievement in Acting (Best Actor) sa Guam International Film Festival para sa pelikulang Kid Kulafu, pero hindi niya personal na nakuha ang tropeo.

“Ang pumunta po kasi don ay si Direk Paul (Soriano), hindi ko talaga akalain na mananalo ako. Kasi ang dami po talagang nagpasok ng entry, iba-iba bansa.

“Hindi naman ako nag-expect, tapos bigla na lang nag-post sa Instagram yung Guam na nanalo daw ako ng Achievement in Acting.”

Nasa sasakyan lang daw siya nang mag-chat sa kanya si Direk Paul from Guam para sabihin ang magandang balita.

“Nag-chat siya sa akin ng ‘Congratulations, nanalo ka ng Achievement in Acting.’ So sabi ko, ‘ha, po?’” takatang-taka raw niyang reaksyon.

“Kasi po, para sa akin, okey lang na manalo yung movie, kala ko pa nga joke, eh (laughs). Nakakatuwa po kasi first international acting award ko to,” kuwento pa niya.

Excited naman si Buboy na mahawakan ang kanyang trophy mula sa Guam International Film Festival.

“Wala pa po sa akin, eh. Nasa Ten17 (Production). Baka po next week ibigay na sa akin. Siyempre, papa-picture ako with the trophy,” masaya pa niyang pahayag.

Marami na ring acting award na natanggap si Buboy. Una siyang nanalo ng Best Child Performer para sa Shake Rattle and Roll. Nanalo din siyang Best Child Actor sa Panday 1 and Panday 2.

Tumaas na ba ang kanyang talent fee dahil sa bagong award na nakuha niya?

“Sa ngayon po, hindi pa. Baka daw po next year. Kasi hindi naman daw po ganu’n yon, na kapag nanalo ka ng award, eh, tataas agad. Pinag-uusapan pa po yon,” kaswal niyang pahayag.

Ang Kid Kulafu ay biofilm Pinoy boxing superstar na si Manny Pacquiao. Prinodyus ito ng Ten17 at ini-release ng Star Cinema. Ginampanan ni Buboy sa pelikula ang character ni Manny when he was still a teenager.

Samantala, kakaibang experience naman para kay Buboy ang maging part ng pelikulang Angela Markado na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann at idinirek at sinulat ni Carlo J. Caparas.

Karamihan daw ng mga eksena niya ay nasa rancho kasama ng mga kabayo kaya natakot siya.

“Nakakatakot kasi hindi mo naman kontrolado ang mga kabayo. Yung mga kabayo nga po, tina-tranquilizer pa sila para kumalma. Kasi pag walang ganu’n hindi sila kalmado, wild sila, naninipa so delikado yung mga sasakay.”

Isa rin daw ang karakter niya sa mga tumulong kay Andi para mabigyan ito ng hustisya sa panggagahasa sa kanya.