• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Carlo J. Caparas on Andi Eigenmann: ‘Siya ang pinakamahusay na artistang babae’

Director Carlo J. Caparas on Andi Eigenmann: ‘Siya ang pinakamahusay na artistang babae’

Director Carlo J. Caparas shares that he only has high praises for his lead Angela Markado lead actress Andi Eigenmann.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/26/2015 10:12 PM
Director Carlo J. Caparas on Andi Eigenmann: ‘Siya ang pinakamahusay na artistang babae’


112615-carlo_main.jpgAfter an almost five-year hiatus from the film industry, director Carlo J. Caparas is back at the helm of the remake of the 1980 classic Angela Markado which was originally directed by Lino Brocka. The 56-year-old director said his version will be modernized to adjust to the current generation. “Nanalo na ito sa ng Grand Prix (award) kasama ng Cannes film festival at sabi ko nga nung napanuod ko yun, kailangan i-adjust ko na ngayon sa panahon natin na alam kong magagawa ko. Sabi ko nga, I intend to outdo myself hindi para tabunan ang unang trabaho ng Angela Markado kundi mas buhayin ang character nito at ang pangyayari para meron naman akong contribution sa mga kababaihan, sa asawa ko, sa mga anak ko, kamaganak, kaibigan at kababaihan sa bansa natin,” he shared during the Angela Markado presscon held last November 24 at The Music Hall at Metrowalk, Ortigas.

Direk Carlo said that he wants to keep making more films starting with Angela Markado this year. "To outdo myself sa paggawa ulit ng ganitong klaseng storya at pagbuhay sa isang karakter na ayokong mawala sa isipan ng mga kababayan natin dahil napakaraming matutulungan nito lalo na sa mga kababaihan natin, may anak rin akong babae na gusto kong makita niya kung ano ang magaganap sa isang babaeng napunta sa kamay ng kabataan na alipin ng drugs at masasamang bisyo. Yun naman ang tulong ko sa mga kababaihan na tumangkilik ng komiks ko at mga pelikula,” he explained.

When it comes to his lead actress Andi Eigenmann, direk Carlo said she was always his top choice. "Si Andi Eigenmann pirmi kong sinasabi para sa akin ngayon siya ang pinakamahusay na artistang babae natin ng kabataan. Sa role na Angela Markado tingin ko siya lang sa ngayon ang pupuwedeng gumanap ng ganitong klaseng role. Hindi basta aktres si Andi. Kung ano man yung mga kontrobersiya na dumating sa kanya, parte yun ng isang mahusay na karakter sa showbiz at parte yun sa buhay ng magiging magaling na artista. At ang kakayahan ni Andi hindi na kailangan itanong pa natin, alam naman natin ang pinagmulan, puro mahusay. Mahusay ang ina, mahusay ang ama sa pagiging alagad ng pelikulang Pilipino,” he shared.


112615-carlo_main.jpgOne of the highlights of Angela Markado is Andi’s rape scene with five rapists played by Epy Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, Polo Ravales, and newcomer CJ Caparas. "Alam mo ang brutality ng rape, ang violence na makikita niyo sa rape baka hindi niyo na hangarin pang makitang mahubaran siya sa aabutin niyang paghihirap at violence sa limang rapists. At yung limang rapist sa oras na ginagawa nila kay Andi yun nung tanungin ko nga, ‘Ano bang nararamdaman niyo bakit totoong totoo itong ginagawa natin?’ Talagang ayaw na nilang bitawan si Andi kahit sabi ko, ‘Cut! Cut!’ Hindi pa rin nila binibitawan si Andi. Eh si Andi naman akala niya puro eksena hindi na niya naririnig ang action at saka cut na sinisigaw ko dun sa tape. Tuloy tuloy lang sila so ang camera natin walang tigil din hanggang sa editing na lang namin inaayos pero violated talaga as an actress si Andi sa pelikulang Angela Markado,” he admitted.

The veteran director said unlike other actresses, Andi did not have any special demands during shooting. "Kaya naiiba si Andi sa mga aktres ngayon, hindi siya nagtanong ng ganyan (restrictions) nung nabasa niya ang script. The script motivates her at yung script na mismo yung pinagbasehan niya sa mangyayari sa kanya. Nakahanda siya nung sumalang siya sa camera at wala siyang pretensions. Wala siyang inhibitions at lalo na wala siya nung matatawag natin na paimportante. Walang limitasyon sa kanyang nagagawa. Ibinuhos niya lahat ng magagawa niya. Kung minsan marami siyang gasgas, kung minsan may totoong dugo na sa ilong. Okay yun sa kanya. Siya pa mismo nagsasabi, ‘Direk tapusin muna natin itong eksena.’ Yun ang napakasarap katrabaho kaya nasasabi kong naiibang klaseng aktres si Andi na you cannot meet someone like her everyday,” he shared.

Another important fact that direk Carlo wants Pinoys to learn from Angela Markado is the lesson it tries to impart to the youth and the female sector. "Napapanahon yan dahil sa dami ng problema ng bansa sa kababaihan natin ngayon, parang nangangailangan naman ng tulong sa katulad naming filmmaker na makatawag pansin na kung maaari igalang natin ang mga kababaihan natin, kung maaari huwag tayong maging bayolente sa kababaihan natin, kung maaari maiwasan din ng mga kababaihan natin ang mga mapanganib na lugar pag gabi, mapanganib na lugar katulad ng madidilim na sulok ng paglilibang. Hindi ko sinisiraan ang mga bar at mga club natin pero karamihan ngayon paglabas nila ang naghihintay na sa kanila sa dilim ng gabi pag nasobrahan ng paglilibang o nakargahan na ng inom, kung minsan mga nagkalat na droga, hindi ka na nakakatiyak sa dilim ng gabi,” he said.

Watch Andi Eigenmann in Angela Markado under Viva Films starting December 2 in cinemas nationwide. Also starring Bret Jackson, Paolo Contis, Epy Quizon, Polo Ravales, Felix Roco, Mika Dela Cruz, Bugoy Drilon, and Buboy Villar. Written and directed by Carlo J. Caparas.