• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda reacts to Karen-Alma issue: ‘It’s not anybody’s fault, hindi lang sila nagtagpo’

Boy Abunda reacts to Karen-Alma issue: ‘It’s not anybody’s fault, hindi lang sila nagtagpo’

Boy Abunda advises political aspirants to be prepared for interviews.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/26/2015 10:13 PM
Boy Abunda reacts to Karen-Alma issue: ‘It’s not anybody’s fault, hindi lang sila nagtagpo’


112615-boyalma_main.jpgNakatikim ng pamba-bash sa social media ang broadcaster na si Karen Davila pagkatapos lumabas ng interbyu niya kay Alma Moreno sa programang Headstart ng ANC noong November 11. Pero pinanindigan ni Karen na she’s just doing her job to ask hards question from Alma at wala siyang intensyong ipahiya ang aktres na tumatakbong senador.

Ayon sa King of Talk na si Boy Abunda, kaagad din niyang pinanood ang programa at sa palagay niya ay hindi dapat sisishin si Karen sa paraan ng pag-iinterview nito kay Alma.

“Nakita ko naman kung paano aalayan ni Karen si Ness,” sabi pa niya.

Pareho rin daw niyang naiintindihan sina Karen at Alma. 

“It’s not anybody’s fault. Hindi lang sila nagtagpo. Karen was doing her job. Ness assumed probably that it was just an ordinary interview,” reaksyon ni Kuya Boy sa isyu.

Hindi rin daw kasalanan ni Karen that she wanted to talk about RH bill, same sex marriage at iba pang political issues na tinanong nito kay Alma.

“Para sa akin, responsibildad ng guest lalo na kung ikaw ay tumatakbo for public office na paghandaan ang isang political interview. Headstart is a political show.

“May mga taong nagsasabi na pinaglaruan (si Ness). Hindi, nakita ko umalalay si Karen towards the end. Ipinapaliwanag niya kung ano ang ibig sabihin. Ness, I think, was also trying, but to a certain extent, she showed her that she was not conversant with the topics,” pahayag pa ng King of Talk.

Naniniwala si Kuya Boy na ang moral lesson sa nangyari ay dapat paghandaan mo ang iyong interview.

“Prepare for your interviews. Ikaw ay nagpapakilala, ipiniprisinta mo ang iyong sarili para sa boto ng mamamayan, maghanda ka. Kasi ang pinag-usapan naman ay may relasyon sa iyong pagiging public official.

“You were not being asked about rocket science. Doon, medyo off ‘yun, kung halimbawa, tinanong ka, ‘how do you invent rockets ships?’ I mean, that’s an entirely different story.

“But if you are asked about same sex marriage which is hot globally, you know, these are issues during elections. But she (Ness) took a position, hindi lang niya naipaliwanag. Sabi niya, ‘yes,’ pero hindi lang naipaliwanag ni Ness.

“Ako, with humility, ang advice ko, sa susunod na magge-guest ka halimbawa sa ibang programa, you’re not promoting a movie, ika’y piniprinsta mo ang iyong sarili sa taumbayan and you should be ready for all these issues,” pahayag pa niya.

Idinagdag pa ni Kuya Boy na mahal niya si Alma at willing din daw siyang i-guest ito sa programa niyang Tonight With Boy Abunda at sa The Bottomline.