• Home
  • Fresh Scoops
  • Supporting cast of "A Second Chance" share their happy thoughts on the movie

Supporting cast of "A Second Chance" share their happy thoughts on the movie

Bea Saw, Ahron Villena and Janus del Prado shares how the cast has bonded over the years.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/26/2015 4:16 AM
Supporting cast of


112515-schance_main.jpgNgayon ang first showing day ng pelikulang "A Second Chance" na graded B ng Cinema Evaluations Board. Nakausap ng Push.com.ph ang tatlo sa supporting cast ng pelikula at gumanap na malalapit na kaibigan nina Popoy at Basha na sina Ahron Villena, Beatriz Saw at Janus del Prado. Dito nagbigay sila ng kanilang magagandang kuwento sa muling pagbuhay sa kanilang mga roles na unang ginampanan noong 2007.

Para kay Ahron, espesyal sa kanya ang papel dahil follower siya ng love story nina Popoy at Basha.

"Fan ako ni Basha at Popoy talaga, kumbaga kahit nandun kami talagang ilang beses ko pinapanood yun," sabi niya. 

Si Bea naman, unang na excite dahil muli niya makakasama ang mga co-stars na naging malalapit niya na ring mga kaibigan.

"Yung bonding talaga namin noong one more chance maganda ang foundation namin as a group ok," sabi ng dating PBB Big Winner. 

Isang malaking reunion daw ang bawat eksena na magkakasama ang grupo na nai-share ni Janus Del Prado. 

"During the movie siguro dahil na miss namin ang isat isa eh naging close kami as a group," sabi ng dating child actor. 

Kung minahal daw natin noon sina Popoy at Basha, next level na daw ngayon ang pagmamahalan ng dalawa na binigyang teaser ni Ahron.

"Si Basha at si Popoy mas nag mature na yung relationship nila dito iba na ang status nila ngayon eh."

Para kay Bea, nakakaiyak daw ang ilan sa mga eksena kaya't panoorin from start to ending. 

"Kung relatable ang 'One More Chance' mas relatable sila dito sa a second chance dahil impossible na hindi ka maka relate at makita ang sarili mo sa kanila kasi kung paano ginawa ang one more chance ganun din ito," sabi ni Bea. 

Nag-chorus din ang grupo sa pagsagot na lahat sila ay naniniwala sa pagpapatawad at pagbibigay ng second chance sa taong mahal nila.