• Home
  • Fresh Scoops
  • Priscilla Meirelles gives her insight on Pinay candidates for Miss Earth

Priscilla Meirelles gives her insight on Pinay candidates for Miss Earth

Priscilla Meirelles lists the advantages of Pinay candidates for Miss Earth.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/25/2015 9:40 AM
Priscilla Meirelles gives her insight on Pinay candidates for Miss Earth


112515-priscilla_main.jpgNagaganap ngayon sa Austria ang 2015 Miss Earth Beauty Pageant na isa na ngayon sa itinuturing na Big Four sa mga Beauty Pageant search (kasama ang Miss Universe; Miss World at Miss International). Nakausap natin ang 2004 Miss Earth winner mula sa Brazil na si Priscilla Meirelles na naka-base na ngayon dito sa Pilipinas at aktibo bilang artista. Naitanong natin kay Priscilla ang kanyang opinion na malaking advantage lagi ang kandidata mula Pilipinas na kasali sa Miss Earth Pageant.

"Medyo mahirap na tanong yan. I don’t think na favored candidate lagi ang Philippines, but I think there’s a lot of advantages when it comes on being a Philippine candidate because the organization ng local Philippines Earth and Miss Earth International is parehas so sobrang napi-prepare na nila ang girl na candidate kaya pagdating sa international pageants sobrang prepared ang Filipina."

Justified naman ang sagot ni Priscilla dahil in fairness daw ay handa lagi ang mga Pinay sa lahat ng portions ng beauty pageant at palaban daw lagi ang mga Miss Philippines.

"Dahil diyan siguro kaya laging maganda ang nagiging place ng candidates from this country and they won, I think, two titles already. Pero hindi naman papahuli ang Brazil dalawa na rin title holders namin from Miss Earth. So I experienced being a candidate and I never felt that the Philippine candidate is being treated special wala naman ganun."

Dagdag pa ni Priscilla, advantage daw sa mga Pinay ang magaling sa pagsasalita ng English at dumadaan sa magandang training bago isabak sa international competition.

"Pero during my time being a Brazilian, hindi ako masyado marunong mag-English, walang Tagalog so I had my limitations. Filipina candidates are very articulate they always know what to say, how to act. Of course may advantage yan kasi alam na alam nila how to prepare their candidates."

Busy ngayon si Priscilla bilang co-star ng teleseryeng Be My Lady na coming soon sa Kapamilya Network.