• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Janella Salvador on her MMFF movie ‘Haunted Mansion’: ‘Pressured po ako’

EXCLUSIVE: Janella Salvador on her MMFF movie ‘Haunted Mansion’: ‘Pressured po ako’

Janella Salvador admits she feels pressured by her first movie ‘Haunted Mansion.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/26/2015 4:15 AM
EXCLUSIVE: Janella Salvador on her MMFF movie ‘Haunted Mansion’: ‘Pressured po ako’


112515-janella_main.jpgFirst movie ni Janella Salvador ang Haunted Mansion ng Regal Films at bida kaagad siya. Haunted Mansion is produced by Regal films na official entry sa darating na Metro Manila Film Festival (December 25).

Kasama ni Janella sa movie sina Marlo Mortel at Jerome Ponce na kasamahan din niya dati sa day time series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Ang tatlong Star Magic artists ang magdadala ng pelikula kaya hindi raw maiiwasang kabahan sila lalo na si Janella.

“Siyempre, may pressure. Pressured po ako,” pag-amin agad niya sa Push.com.ph. “But then, in all my works, talagang mine-make sure ko na ginagawa ko talaga yung best ko,” dagdag pa niya.

Malaki rin daw ang tiwala niya sa mga nakatrabaho—director, kapwa artista—at do’n siya humuhugot ng lakas ng loob para labanan ang pressure.

“I’ll have to trust in my ability and the ability of everyone who works with me. Kasi group effort naman po itong ginawa namin sa Haunted Mansion. Di naman po ito mabubuo kung wala ang tulong ng isa’t isa,” paliwanag pa ni Janella.

Naniniwala daw naman siya na susuportahan ng ABS-CBN at Star Magic ang kanilang kauna-unahang movie project kahit pa hindi ito sa Star Cinema.

“I guess susuportahan naman po kami pati ng Star Magic, sinusuportahan naman po kami. Hopefully, malaking grupo ang sumuporta sa amim,” sey pa niya.

Sa tanong namin kay Janella kung ano ang pakiramdam na sa kauna-unahan nilang pelikula ay magkakasama sila nina Jerome at Marlo, ang sabi niya, “Para kaming nagre-reunion. Hindi ako nagkaroon ng masyadong adjustment kasi pareho ko na silang kilala. Malaki yung nagawa ng Be Careful With My Heart sa aming tatlo, nabuo yung friendship kaya very comfortable kami sa work namin sa Haunted Mansion.”


Eh, ano ba ang reaksyon niya na pareho siyang pinag-aagawan nina Marlo at Jerome, hindi lang sa pelikula, kundi maging sa totoong buhay?

“Feeling ko ang haba ng hair ko,” natatawa niyang sagot.

“Nakakatuwa naman na napaka-competitive nung dalawa,” dagdag pa niya.

Pero hindi pa raw niya masabi ngayon kung sino talaga ang matimbang kina Marlo at Jerome.

“Wala pa naman po. I’m not thinking of having a relationship yet kasi close din ako sa kanila pareho... so, yon.”

Iginiit naman ng dalaga na wala pa talagang pormal na panliligaw mula sa dalawa niyang kasmahan sa Star Magic.

“Wala pa naman pong ganun,” paglilinaw niya. “Pero they’re both close to my mom, pareho silang close sa nanay ko. Pareho silang talagang nagte-text sa mom ko, nagha-hi sila, nangungumusta.”

Eh, hanggang kailan ba niya paasahan ang dalawa?

“Wow, grabe naman yon. Paasahin talaga?” reaksyon niya.

“For me kasi, siguro ayoko ding mag-give-in sa pressure pagdating sa ganyang bagay. I’ll take my time and the best time to say yes and to answer anything is when your heart is really ready. Siguro, pag ready na po ako, pero hindi ko pa po talaga alam kung kailan yon,” rason pa niya.