Lisa Macuja gives Tippy Dos Santos some ballet lessons

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/24/2015 9:18 AM
Lisa Macuja gives Tippy Dos Santos some ballet lessons


112415-liza_main.jpgKahit na nagpaalam na sa pagsasayaw onstage ang Pinay prima ballerina na si Lisa Macuja, hindi ito naging hadlang para ituloy nya pa rin ang pagpo-produce ng cultural dance shows para sa masa na tatak na ng Ballet Manila na pinamumunuan niya. Ngayong holiday season handog ng Ballet Manila ang 2015 production ng Pinocchio na pangatlong offering na ng “From Page to Stage" at 20th performing season ng ballet company.

Si Alvin Santos ang gaganap sa lead role bilang Pinocchio na isa sa senior company members at produkto ng scholarship program ni Lisa.

"Mas malaking challenge para sa akin at sa amin lahat na nasa behind the scene na ako ngayon. Bagong challenge ito sa akin and mas masaya dahil nakikita ko na ang bawat aspect ng production mas tutok na ako sa lahat."

Hindi titigil si Lisa sa pagbibigay ng scholarship sa kabataan at paghasa ng kanilang mga talento. Kasama na dito ang young actress na si Tippy Dos Santos na gaganap bilang story teller sa Pinocchio. Kuwento ni Tippy, sinalang na siya ng ilang sessions ng ballet class sa ilalim mismo ni Lisa

"Nakaka-excite mahirap pero masaya bagong challenge for me and malaking honor kasi si Ms. Lisa mismo ang nagtuturo sa akin kaya nakaka pressure pero nakaka inspire."

Mapapanood ang Pinocchio sa November 27; 28 at December 5 ng 8 pm at sa November 29 at December 6 ng 3 pm sa Aliw Theater sa Pasay City.