Jimboy Martin reveals his Christmas wish

Jimboy Martin says his Christmas is more “complete” because of PBB.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/25/2015 12:52 AM
Jimboy Martin reveals his Christmas wish


112415-jimboy_main.jpgMas kumpleto na daw ang paparating na pasko para sa PBB 737 Teen Big Winner na si Jimboy Martin dahil sa kanyang tagumpay sa bahay ni Kuya. Pero hindi pa rin nawawala kay Jimboy na magkaroon siya ng hiling sa pasko para sa lahat ng members ng kanyang pamilya.

"Christmas? Gusto ko po magsama sama kami pamilya doon sa makukuha ko na prize namin doon sa house and lot po."

Alam na rin ni Jimboy ang ireregalo niya sa kanyang sarili na makakatulong din sa kanyang showbiz career.

"Ang gift ko po sa sarili ko gusto ko magkaroon ng sariling sasakyan para hindi na po taxi ng taxi para makamura rin po."

Kung sa acting career ang pag uusapan, isa lang ang idolo ni Jimboy sa ngayon at ito rin ang kanyang gustong makasama sa mga darating niyang projects.

"My idol si Coco Martin po! Kasi po astig po siya at mabait. Idol ko po siya, magaling umarte... Kapag napapanood ko po siya nai inspire po ako."

Regular na napapanood si Jimboy sa noontime show na It’s Showtime bilang isa sa members ng all male group na Hashtags.