Tommy Esguerra wants to work with James Reid

The Fil-Am model says he wants to follow in James Reid's footsteps.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/23/2015 5:34 PM
Tommy Esguerra wants to work with James Reid


112315-TOMMY_main.jpgHanggang ngayon aminado ang Pinoy Big Brother 737 Second Adult Big Placer na si Tommy Esguerra na naga-adjust pa rin siya sa malaking attention na nakukuha niya sa pagpasok sa showbiz. Hindi daw siya ganun ka active sa social media pero ngayon kailangan niya ng maging aktibo para maka-reach out sa dumadami niyang followers at ng kanyang ka tandem na si Miho Nishida.

Pero kahit na marami na ang kinikilig sa kanilang tambalan ni Miho na regular na napapanood sa It's Showtime, mukhang pansamantala ay kailangan muna maghiwalay ng dalawa ngayong holiday season.

"I'm going back to California. Pupunta ako sa California, tapos Miho she's going to stay here sa Pilipinas. I'm kinda sad, malungkot ako kasi gusto ko makasama si Miho pero OK lang its been three years, I haven't seen my family so I'm gonna go back," pahayag ni Tommy. 

Excited na rin si Tommy na simulan ang kanyang acting career. Nag-aaral na siya ng Tagalog at ibinahagi niya sa atin kung sino ang gusto niyang maka trabaho.

"Maybe James Reid. I want to learn from him 'cause he came from the same as me he is not that good in Tagalog, from a foreign country and they also came from PBB," paliwanag ng Fil-Am housemate. 

Nagpapasalamat din si Tommy sa lahat ng kanilang supporters ni Miho dahil ito daw ang nagpapalakas ng kanyang loob sa kanyang nagsisimulang career.