• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre on her tampuhan with James Reid: “It happens. It’s normal. So we’re okay.”

Nadine Lustre on her tampuhan with James Reid: “It happens. It’s normal. So we’re okay.”

James Reid reveals why he is protective of Nadine Lustre.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/24/2015 7:18 AM
Nadine Lustre on her tampuhan with James Reid: “It happens. It’s normal. So we’re okay.”


112415-jadine_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, nagko-cross over na diumano ang love-tampuhan relationship ni Nadine Lustre at James Reid sa totoong buhay at hindi na lamang ito sa relasyon nila bilang Leah at Clark sa Kapamilya TV series na On the Wings of Love.

Noong isang linggo lang may nahuling tampuhan moment sa dalawa nang punahin ni James ang sexy outfit ni Nadine. Kumusta na kaya ang JaDine matapos ang kanilang tampuhan? Ayon kay James, “We’re good, I mean past is past.” Ani ni Nadine, “It happens. It’s normal. So we’re okay.”

Dagdag pa ni James, “I take that as a compliment because it just means our characters are very believable.”

Sa report nilinaw na hindi ito ang unang beses na pinuna ni James ang sexy outfit ni Nadine. Sa mismong Instagram account ni James, in-edit nito ang ilang photos ni Nadine para hindi ito maging sexy at revealing. Noong February 2015, in-edit ni james ang cleavage sa photo kung saan magkasama sila ni Nadine.

Bakit nga ba protective si James kay Nadine? “She’s a big part of my career, of my life right now. I think I’m just used to the simple stuff,” ani James. Depensa naman ni Nadine kay James, “We have to protect each other po talaga. It can’t be just me, ako lang ng ako, it cant’ be siya lang ng siya lang.” Isa pa, na-appreciate naman daw ni Nadine ang pagiging protective sa kanya ni James. 

May mga tampuhan man, bitbit pa rin ng JaDine ang matibay na pagkakaibigan. “The fact that we’re friends it helps,” ani James. Dagdag naman ni Nadine, “We want this to be ganun lang.” 

Mensahe ng dalawa sa kanilang mga fans ay, “We’re good. Relax.”