• Home
  • Fresh Scoops
  • Alma Moreno gives reaction to Karen Davila interview: ‘Hayaan na muna ang bashers’

Alma Moreno gives reaction to Karen Davila interview: ‘Hayaan na muna ang bashers’

Alma Moreno says she is continuing her bid for senator.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/23/2015 7:45 PM
Alma Moreno gives reaction to Karen Davila interview: ‘Hayaan na muna ang bashers’


112315-almamoreno.jpgMatapos maging usap-usapin sa internet ang interview ni senatorial candidate Alma Moreno sa ANC program na “Headstart” kung saan nahirapan siyang sumagot sa mga tanong ng host na si Karen Davila, buo parin ang desisyon niyang tumakbo bilang senador.


Sa ulat ng ABS-CBN News, nang bumisita sa Balayan, Batangas si Alma kasama sina Vice President Jejomar Binay at iba pang United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidates na sina Getulio Napeñas, Rey Langit at Atty. Allan Montano noong Linggo, November 22, kanyang ipinahayag ang kanyang saloobin.

“Huwag muna ngayon. Darating ang araw na magpapa-interview ako. Hayaan na muna ang bashers. Ako po si Alma Moreno. May pinagdaraanan po. Siguro naman napanood niyo sa TV. Pero lumalaban pa rin. Hindi man ako ganoon kagaling magsalita, may puso naman ako sa tao,” pahayag ni Alma sa mga taga Balayan.

Sinabi naman ni Vice President Binay na normal lamang kay Karen ang magtanong ng mahirap.

“Kapag haharap kay Karen Davila, mag-rosaryo ka na ng 10 beses. But Alma is a great woman. She is pro-poor. Sec gen (Secretary General) siya. President din ng PCL (Philippine Councilors League). Alam mo, ang tama o mali sa pagsagot, subjective 'yun. Depende 'yun. Merong pupuna, merong lalait, may pupuri. Kung ano ang pagkakakita namin sa simula hanggang kahapon, ganun pa rin si Alma Moreno,” pahayag ng bise presidente.