• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado dismisses rumors that she wants to play Darna villain 'Valentina'

Iza Calzado dismisses rumors that she wants to play Darna villain 'Valentina'

Si Iza Calzado ang latest brand ambassador ng BAYO at unang ipinasuot kay Iza ang 2015 holiday collection ng sikat na fashion brand.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/23/2015 3:48 AM
Iza Calzado dismisses rumors that she wants to play Darna villain 'Valentina'


112315-iza.jpgSi Iza Calzado ang latest brand ambassador ng BAYO at unang ipinasuot kay Iza ang 2015 holiday collection ng sikat na fashion brand. Sa interview ng Push.com.ph kay Iza, nilinaw niya ang bali-balita na interesado siyang gumanap sa markadong kontrabida sa Darna series na si Valentina.

"Naku, 'wag na lang ako kasi hindi ako ganun ka fond sa mga ahas, medyo hindi ko sila gusto at baka di ko magampanan ng maayos," mabilis na pagsagot ng aktres. 

Dagdag pa ni Iza na nagkaroon na siya ng share sa pag ganap sa mga fantaserye noon na naka-costume, naka-harness at heavy ang make up. Pinaka matatandaan dito ay ang pagiging isa niya sa mga sangre sa original production ng Engkantadia.

"Mas pipiliin ko na ngayon yung straight acting na magbibigay ng challenge sa akin. I want to do straight drama. Yung more character intensive. Hindi ko talaga gusto ang snakes. Dapat siguro may certain affinity ka sa snakes. Pero hindi ako," dagdag paliwanag pa niya. 

Sa ngayon dalawang indie film ang tinatapos ni Iza at ang Metro Manila Film Festival horror movie na Haunted Mansion ng Regal Entertainment.