• Home
  • Fresh Scoops
  • Francis Libiran gives details on Pauleen Luna's wedding gown

Francis Libiran gives details on Pauleen Luna's wedding gown

The fashion designer also shared he might also make outfits for Pauleen Luna and Vic Sotto's wedding entourage.

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

11/23/2015 2:44 AM
Francis Libiran gives details on Pauleen Luna's wedding gown


Sa kanyang victory party para sa pagkaka feature muli ng kanyang creations sa latest season ng America's Next Top Model, inihayag ng international fashion designer na si Francis Libiran ang kanyang kasiyahan sa bagong naabot ng local fashion industry sa international market.

"As a Filipino designer, I'm very proud of it. Malaking bagay ito for me at sa ating bansa, for showcasing Filipino talent abroad," pahayag ni Francis. 

Dito rin siya nagbigay detalye at update sa wedding gown na isusuot ni Pauleen Luna sa kanyang kasal kay bossing Vic Sotto sa darating na Enero.

"She wants something very simple, very classic because Pauleen is, she's very pretty. Hindi na kailangan ng decorations. She wants it to be timeless and simple. Magpi-fitting na kami. Hindi ito backless, conservative kasi si Pauleen, ang ginawa namin gown is more on her personality. She wants something elegant."

Sa ngayon pinag uusapan pa daw kung sino sino sa entourage ang gagawan din ni Francis ng kasuotan sa inaabangang kasalan sa 2016.