• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Cathy Garcia Molina on ‘A Second Chance’: ‘I consider this my hardest of all my films’

Director Cathy Garcia Molina on ‘A Second Chance’: ‘I consider this my hardest of all my films’

Director Cathy Garcia Molina admits she isn’t sure they can still come up with another sequel.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/22/2015 9:26 AM
Director Cathy Garcia Molina on ‘A Second Chance’: ‘I consider this my hardest of all my films’


112215-cathy_up.jpgIpalalabas na sa mga sinehan ang A Second Chance na sequel ng very successful movie noon nia Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na One More Chance under the direction of Cathy Garcia-Molina.

November 14, 2007 unang ipinalabas ang One More Chance and after eight years, itutuloy ang kuwento ng pag-iibigan nina Popoy at Basha sa mga sinehan sa November 25 kasama ang same cast and director.

Gaano ba kahirap gawan ng sequel ang isang box-office hit movie na katulad ng One More Chance?

Kasi di ba po, marami naman po talaga ang lumalapit sa amin para sabihing nagustuhan nila ang One More Chance and given that, it is so hard to think of a story that can at least equal the love story we have given you.

“And it’s not easy at all. In fact, it’s very hard. For me, I consider this (A Second Chance) my hardest of all my films. Sobrang hirap po, sobra talaga,” paliwanag ng box-office director.

Dagdag pa niya, “Kasi ang expectations, parang lagpas ulo, matangkad pa sa amin. And ako, ang goal ko, sinabi ko sa kanila yan, na mangalahati man lang sana sa expectations ng manonood.”

Umaasa si Direk Cathy na maiibigan din ng manonood ang bagong istorya nina Popoy at Basha.

Kasi, ‘di ba, lagi ang bawat pelikula, para yang beauty, eh, ‘di ba?  It’s in the eyes of the beholder. As much as we want to give you the story that we want, as much as we want to give you the best we can, sometimes, hindi lahat nagugustuhan.

Minsan po, hindi yon ang ini-expect ng tao at yon po ang pinakamahirap sa amin. Kami naman, nu’ng ginawa namin ito, iisa lang ang gusto namin, dugtungan lang ang kuwento nina Popoy at Basha, at sana maibigan ninyong lahat,” paliwanag pa niya.


112215-cathy_up.jpgAfter eight long years, ibinahagi naman ni Direk Cathy ang mga bagong discover niya kina John Lloyd at Bea.

“I have always admired Bea, hindi lang bilang isang magaling na artsita, kasi kung magaling naman, marami namang magagaling na artista. But Bea is exceptional dahil sa kabila ng galing niya, yung humility sobrang nandon pa rin,” papuri niya sa aktres.

“Si Lloydie naman, hindi ko na halos mino-motivate. Si Bea, ganu’n din, mas nakakausap ko na siya ngayon. We have grown closer now,” dagdag pa niya.

Mas nakita rin daw niya ngayon ang pagiging serious actors nina Bea at John Lloyd.

“In terms of acting, they’re so different now. They have improved. Mas malalim sila ngayon, na dapat lang naman kasi ang pangit naman kung after eight years na, eh, wala pa rin silang maturity.

“They take their roles differently. Although mahirap sa akin kasi nga never been married yung dalawa kasi nga ang istorya namin is about a married couple. But they’re different,” sabi pa niya.

Pabiro namang ikinuwento ni Direk Cathy ang experience niya bago mapapayag si Bea na gawin ang isang daring scene sa A Second Chance.

“Nasaktan po ako, na-offend po ako sa pelikulang ito dahil akala ni Bea, nilu-launch ko siya bilang bagong bold star. Sabi niya, ‘Direk, sagad ‘to ha,’” natatawa niyang kuwento.

Sinagot naman ito ni Bea nang, “Hindi, okey lang po yon, Direk.” “Promise po,” buwelta naman niya sa director na natatawa din.

Kasi, pag mag-asawa kayo, parte na yon ng pagdadaanan nyo, to be naked in front of each other. Si Lloydie, meron akon kinunan sa kanya na kita ang puwet niya. Hanapin n’yo. Pero picture lang yon, pero nilagay ko siya somewhere na makikita nyo,” pahabol na pahayag ni Direk Cathy.

When asked kung balak pa ba niyang gawan ng sequel ang A Second Chance. Ang sagot niya, “Hihimatayin ako. Ito pa lang po ay parang ano na po... sobrang hirap po. Ewan ko po. Peron ayoko pong magsalita nang tapos.”