Rachelle Ann Go is excited to come home as Fantine

Rachelle Ann Go shares Lea Salonga’s tip for the role of Fantine.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

11/21/2015 10:17 AM
Rachelle Ann Go is excited to come home as Fantine


112115-rachelleango_PUSH.jpgSa ulat ni Gretchen Fullido para sa TV Patrol, dream come true diumano para kay Rachelle Ann Go ang gumanap bilang Fantine sa Les Miserables.

Dadalhin ang Les Miserables sa Pilipinas sa March 2016 at excited na si Rachelle sa kanyang pagbabalik bansa. “Kahit malayo ako, kahit nasa London ako, I still feel the love of Filipinos kaya I’m excited to be home next year and to share with you what I’ve been doing here in London.”


Hindi naman nahirapan si Rachelle magpapayat para sa role at ang kanyang sikreto ay, “ako lang talaga. I cook, I clean the house, I commute every single day so nakakapagod.” 

Nang tanungin si Rachelle kung may dinedate siya sa London, ang sagot ni Rachelle ay, “Wala pa e parang naghihinayang kasi ako sa oras if I date someone tapos hindi ko pa naman nararamdaman na siya na talaga.”

Hindi raw inakala ni Rachelle na bibida siya sa teatro dahil wala naman siyang formal training, kung kaya malaking bagay para sa kanya ang payo ng kanyang idolo na si Lea Salonga. “She said to read the book, kasi sabi niya ‘pag binasa ko yun magbabago na ang tingin ko sa character, magbabago yung atake ko sa songs.”

Main photo credit to canadianinquirer.net