• Home
  • Fresh Scoops
  • Diether Ocampo clarifies reports that he's leaving Star Magic

Diether Ocampo clarifies reports that he's leaving Star Magic

Diether Ocampo also addresses wedding rumors.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/22/2015 1:46 AM
Diether Ocampo clarifies reports that he's leaving Star Magic


112115-dietherocampo_PUSH.jpgMedyo aloof sa entertainment press si Diether Ocampo nang makaharap namin siya sa presscon ng TV5 para sa season 5 ng kanilang Wattpad Presents. Tumakas na rin siya after the presscon at hindi na nagpainterbyu pa sa amin.

“Parang hindi na ako sanay humarap sa press. Halos two and a half years na rin akong walang presscon,” bati sa amin ni Diet.

Kahit habang kinukunan namin siya ng pictures ay medyo naiilang din si Diet.

Anyway, kaagad niyang nilinaw na nananatili pa rin siya ngayon sa Star Magic kahit pa part siya ng two episodes ng Wattpad ng TV5.

“I’m still with ABS (CBN), tinanggap ko lang itong opportunity na magtrabaho sa TV5 kasi hindi pa talaga ako nag-guest dito.  This is the first time na magtatrabaho ako with the production of TV5,” paglilinaw agad niya.

Habang wala pang ginagawa, nagpaalam daw muna siya sa Star Magic para magtrabaho sa ibang channel.
“Di ba kasi dapat meron kaming gagawing teleserye with Judy Ann. Fortunately, she got pregnant, dapat dire-diretso yon, eh. Pero pina-stand by muna kami because of that. But you know, may mga offers din naman.

“I was very happy when this offer came, and thank you sa TV5 for giving me this opportunity to work with some actors na hindi ko pa nakakatrabaho. It’s a good opportunity for me, hindi ko yon puwedeng palampasin,” paliwanag pa niya.

May balak na ba siyang lumipat ng ibang channel kapag may magandang offer?

“I’ve been with ABS for how many years and this is the first time that they offered me (TV5), so sabi ko, why not? Pero guesting lang naman to, eh, ” he said.

“’Yung paglipat, if ever, depende yon sa offer. Tapos siyempre, pag-uuusapan muna namin yon ng Star Magic. But now, wala pa namang ganu’n,” katwiran pa niya.

Eh, kung may trabaho pa ba siya sa ABS-CBN tatanggap siya ng trabaho sa ibang channel?

“Sa panahon ngayon kung may alok na trabaho, tanggap lang nang tanggap. Walang masamang tinapay diyan. I don’t think magiging problema yon kahit pa may existing project akong ginagawa sa ABS-CBN,” sagot ni Diet.

When asked kung ano ang pinagkakaabalahan niya habang wala siyang ginagawa sa showbiz, ang sabi ni Diet, “busy ako sa ilang mga bagay-bagay na walang koneksyon sa showbiz.”

About his personal life at sa tsismis na may balak na siyang magpakasal, ayaw naman niyang diretsang sagutin ang tungkol dito.

“Wedding plans? Wala pa namang ganu’n. But everything is okey naman,” pag-iwas pa niya.