• Home
  • Fresh Scoops
  • Lani Misalucha reveals she thought her career in the PH was over when she moved to the US

Lani Misalucha reveals she thought her career in the PH was over when she moved to the US

The singer also admits to getting proposals to perform at political events.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/3/2015 5:05 AM
Lani Misalucha reveals she thought her career in the PH was over when she moved to the US


100215-lani-main.jpgNineteen years na sa showbiz ngayong taon ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha at walang kupas niyang ipinakita sa jampacked ballroom ng Las Casaa Filipinas De Acuzar sa Bagac, Bataan na siya pa rin ang isa sa pinaka magaling na female singer hanggang ngayon. Ilan sa mga markadong performances ni Lani sa kanyang weekend concert ang Barbra Streisand Medley, OPM Masters Medley at ang Movie Theme Songs Medley. 

Nakausap ng PUSH.com.ph si Lani sa kanyang dressing room right after ng kanyang concert at dito nai-share niya ang kanyang views sa pagre-retire sa pagkanta.

"Noong nag-migrate kami sa Amerika years ago akala ko yun na yun eh, na iiwanan ko na ang showbiz dito sa Pilipinas, na makakalimutan na ako ng mga tao dahil ang daming mahuhusay sa pagkanta dito sa atin kaya overflowing tayo ng talents. Pero hindi pala, may plano pa si God at pinabalik nya pa ako dito para madugtungan ang ginagawa ko noon," paliwanag ng singer. 

Si Lani ang unang major act na nag perform sa first class na ball room sa unang Heritage Resort and Hotel sa ating bansa kaya thankful siya at siya ang napili ng producers. 

"Ang sarap talaga mag perform para sa mga kababayan natin, mas nararamdaman mo na na a-appreciate nila mga kinakanta mo at mas pressured ka tuloy na galingan dahil mga kababayan natin sila," sambit niya. 

Sinabi pa ni Lani na halos araw-araw ay nakakatanggap na siya ng offers para kumanta sa mga political events, na pinipili niya ng maayos dahil inaalam niya rin muna ang background ng mga tao na kanyang sasamahan. Ayaw daw mag endorse ni Lani pero ok naman daw sa kanya kung magpe-perform lang at ibabahagi ang kanyang talento.