• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex-PBB housemate Wendy Valdez is all set to get married again

Ex-PBB housemate Wendy Valdez is all set to get married again

Wendy Valdez wants a private wedding ceremony with her non-showbiz husband-to-be.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/3/2015 7:49 AM
Ex-PBB housemate Wendy Valdez is all set to get married again


110315-WENDY_main.jpgNakausap natin sa opening ng Belmere Beauty Clinic sa Eton Centris ang kontrobersyal na Ex-PBB Housemate na si Wendy Valdez. Nai-share ni Wendy na nalalapit na ang muli niyang pagma-marcha sa altar para magpakasal.

"I got annulled so ito na ang second and last. It’s going to happen sa December 8 in Tagaytay, a garden Christian wedding. Sa ngayon hindi na muna kami nag-invite ng media people pero makikita niyo naman sa social media accounts ko hindi ko naman ipagdadamot yun."

Na renew ang paniniwala ni Wendy sa Panginoon at malaking tulong daw ito sa kanya sa pagsisimula ng bagong buhay niya kasama ang non-showbiz husband-to-be na isang businessman.

"I’m very, very excited kasi magsisimula na ako ng bagong family, kung ano man ang gusto ko gawin sa family ko, kung ano ang gusto ni Lord. Siyempre kasama na lagi ang asawa ko at ang mga natutunan ko sa pag-aaral ng bible gusto ko na i-apply sa mga anak ko at sa magiging bagong buhay ko."

Hindi naman daw iiwan ni Wendy ang showbiz, kapag may assignment at hinahanap pa rin siya ng publiko ay babalik pa rin daw siya para mag-artista.

"In God’s time ngayon kasi busy ako sa wedding preps at doon sa house namin pero kung gusto pa rin nila ako hindi naman ako aalis sa showbiz."

Malaking pasasalamat ni Wendy sa bagong chance sa buhay na sisimulan niya ngayon. 

"Noong tinanggap ko si God sa buhay ko. Natutunan ko na He can bring back my purity and He can make everything new. Naniniwala ako doon. My life also ibinalik niya yun sa akin. I’m getting married again and this time my family and his family knows it."

Main Photo credit to iamwendyvaldez IG