• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jolina Magdangal on Judy Ann Santos: 'Na-miss ko siya'

EXCLUSIVE: Jolina Magdangal on Judy Ann Santos: 'Na-miss ko siya'

Jolina considers Judy Ann her best friend in showbiz

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/3/2015 5:06 AM
EXCLUSIVE: Jolina Magdangal on Judy Ann Santos: 'Na-miss ko siya'


100215-jolina-main.jpgAyaw nang magbigay ng comment ni Jolina Magdangal nang tanungin namin siya tungkol kay Claudine Barretto. Hindi rin niya sinagot ang tanong namin kung handa na ba siyang makatrabaho ang aktres lalo na ngayong active na ulit ito sa showbiz.

“Ayoko nang mag-comment kasi tapos na. Di na talaga ako  magsasalita. Basta happy ako for her sa Etiquette (for Mistresses),” pag-iwas pa niya.

Kesa daw intrigahin siya ulit, mas gusto na lang niyang pag-usapan ang tungkol sa anak niyang si Pele na kinuhang endorser ng Super Twins Premium diaper.

Ibinihagi ni Mommy Jolina na kapag natututunan nang magsalita ni Pele ay ituturo agad daw niya sa bata ang  po at opo.

“Gusto ko siyang maging magalang na bata,” say pa niya.

Eh, paano ba niya didisiplinahin ang anak pag lumaki na ito?

“Gusto kong matutunan, kahit nu’ng wala pa akong anak, sabi ko ko pag nagkaanak na ako ang gusto ko, eh, madidisiplina ko siya na kinakausap lang. Ayokong pagbubuhatan siya ng kamay. O kahit sabihin mo mang okey lang mamalo, ako, ayoko talaga.

“Hangga’t makakusap ko siya nang maayos. Kung kailangan ng tiyaga, tyatyagain ko talaga,”  paniniguro pa ng aktres.

Si Judy Ann Santos ay isa sa mga best friends ni Jolina sa showbiz. Madalas ba silang mag-compare notes regarding parenthood?

“Oo naman,” sagot agad niya. “Kelan lang, nu’ng magkasama kami, nagtsitsikahan kami tungkol sa lahat ng bagay, hindi lang sa bata.

“Feeling ko nga, parang kulang pa yung time namin together, eh, para makapagtsikahan. Parang kailangan ko pang mag-effort para madalaw ko siya.

“Kasi na-miss ko siya (Juday). Nu’ng time na magkita kami, ang tagal naming hindi nagkita, parang taon na ata. Kaya nu’ng nagkita kami, first week of October yata yon,  na-miss ko siya sobra.

“Sinabi ko talaga sa kanya na na-miss ko siyang katsikahan, tapos matured enough siya para magsabi rin ako tungkol sa anak kasi may anak din siya, tapos puwede ninyong pag-usapan ang kahit ano... yung mga ganu’n,” kuwento ni Jolina.

At kahit daw madalang silang magkita ni Juday, best friends pa rin ang turingan nilang dalawa.
          
“Kasi ang best friend para sa akin, hindi  kailangan lagi mong kasama, eh. Ang best friend para sa akin yung kahit  hindi mo kasama pero any time na kailangan mo ng kausap o magkita kayo, may reconnection na nangyayari.”

Nakatagpo rin daw siya ng mga bagong kaibigan sa grupo ng Your Face Sounds Familiar.

“Hindi ko akalain na magiging ganu’n kami ka-close hanggang ngayon. May Boracay pa kami sa November,” balita pa niya.

Nang tanungin namin si Jolina kung sino ang bet niya sa bagong batch ng finalists ng YFSF, sabi niya, hindi niya ito masyadong natututukan dahil sa dami ng trabaho. Ang balita  lang daw niya, lahat ng celebrity contestants ay magagaling.