Gerald Anderson reveals his new advocacy project

Gerald Anderson says he’ll be spending the rest of the year working on his new advocacy.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/20/2015 7:51 AM
Gerald Anderson reveals his new advocacy project


112015-GERALD_main.jpgSi Gerald Anderson ang bagong ambassador ng Ocean Adventure sa Subic at bilang lumaki sa lugar na ito si Gerald hindi na siya nag dalawang isip ng inalok sa kanya ang offer na maging endorser nito. 

Sa launching ng said project, naibahagi ni Gerald na isang special advocacy ang binubuo niya ngayon na matagal na niyang gusto gawin.

"Medyo hindi niyo ako masyado makikita sa huling part ng 2015 magiging busy kasi ako putting up my foundation, yung canine search and rescue. Nakaka-excite kasi nakita nyo naman mahilig ako sa dogs, andami calamities na nagaganap sa bansa natin and most of the time umaasa tayo sa tulong ng ibang bansa naisip ko bakit hindi tayo magkaroon ng sarili natin? Masusunod lahat yan inaayos ko pa as we speak."

Nagbigay detalye pa si Gerald sa kanyang advocacy na planong hindi lang dito sa Pilipinas magbigay tulong kundi sa buong Asia.

"Kapag may nawawala mga tao, mga mahal natin sa buhay, kami ang tutulong na maghanap at target ko hindi lang sa bansa natin kundi sa buong Asia tutulong tayo. Kami lang ang gagawa ng ganito from a private non-profit organization," pagtatapos ni Gerald.