• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Matteo Guidicelli shares how Sarah Geronimo teaches him how to sing

EXCLUSIVE: Matteo Guidicelli shares how Sarah Geronimo teaches him how to sing

Matteo Guidicelli won’t say if he’ll be attending Sarah Geronimo’s concert in December.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2015 5:09 AM
EXCLUSIVE: Matteo Guidicelli shares how Sarah Geronimo teaches him how to sing


111915-MATTEO_main2.jpgTaong 2004 ay nag-aral na si Matteo Gudicelli ng voice lesson sa University of the Philippines. Ang naging teacher pa raw niya noon ay ang magaling na voice coach na si Kitchie Molina.

“I go there, two times a week sa UP.”

Hindi ba siya tinuturuang kumanta ng girlfriend na si Sarah Geronimo?

“Hindi naman,” natatawa niyang sagot.

“Siyempre, she gives her comments but ang lagi niyang sinasabi sa akin is to always follow my heart. Sometimes she check this, check that (lalo na in hitting high notes) yon lang,” he added.

Pero nagdu-duet daw naman sila paminsan-minsan.

“Sa telepono lang yung duet namin,” kuwento niya sa amin.

Eh, anong songs naman ang dinu-duet nila sa telepono?

“Secret... Huwag na,” natatawa niyang sagot.

Nang tanungin namin si Matteo sa isyung pinagbibintangan siyang ginagamit si Sarah, inamin niyang naiirita na siyang magpaliwanag tungkol dito.

“Sometimes it’s irritating because the people don’t know what we go through. Even in show business before, I don’t stick to people to go up, I want to do it on my own.

“Even before I was with Sarah, I really wanted to do this (singing). That’s why hindi kami nagtatrabaho together kasi I really want it separate. We want it separate,” paliwanag pa niya.

Eh, anong ginagawa niya sa mga nang-iintriga sa kanya sa social media?

“Bina-block ko lang” diretso niyang pahayag.

Marami na ba siyang na-block sa Instagram?

“Maybe 1 out of 10. But when I see all these bashers, I don’t really care,” sey pa niya.

Aware na rin si Matteo na hindi makakapanood ng MG1 concert niya si Sarah sa Music Museum on Nov. 28. Ano ang reaksyon niya dito?

“She’s going to have a concert of her own din kasi the week after (my concert) in Araneta. Sa December 4 and 5 yung sa kanya. But we’ll see.”

Eh, siya ba manonood ng concert ni Sarah?

“We’ll see,” matipid niyang sagot na sinundan ng matamis na ngiti.

Magiging masaya raw siya if ever mapapanood siya ng girlfriend sa kauna-unahang solo concert niya. “Of course, I will be very happy,” reaksyon pa niya.

Excited ding ibinalita ni Matteo na may duet siya with Concert King Martin Nievera and Morisette sa kanyang concert.

“Sana magustuhan nila (laughs). Pinaghahandaan ko talaga yung mga duet namin para hindi ako mapahiya,” biro pa niya.