• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Baron Geisler says he needs to work harder for his mom’s health

EXCLUSIVE: Baron Geisler says he needs to work harder for his mom’s health

Baron Geisler thanks PMPC for the best supporting actor nomination for ‘Nathaniel.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2015 7:48 AM
EXCLUSIVE: Baron Geisler says he needs to work harder for his mom’s health


112015-BARON_main.jpgMalaking bagay para kay Baron Geisler na tinanggap niya ang role bilang si Gustavo sa katatapos lang na Nathaniel TV series. Because of his remarkable performance, isa si Baron sa nominado sa PMPC Star Awards for TV sa kategoryang Best Supporting Actor.

“Pakiramdam ko talaga, I made the right decision na maging Gustavo kahit ang hirap-hirap nu’ng karakter. I’m glad that I played the role effectively,” bahagi ng phone conversation namin.

Gustong pasalamatan ni Baron ang PMPC sa muling pagpansin sa kanyang kakayahan bilang aktor.

“Yung ginagawa ko as an actor is to portray a certain role, kapag nagustuhan ng tao, kapag naasar sila sa akin, ibig sabihin no’n nag-succeed ako. Pero iba rin siyempre yung pakiramdam na nare-recognize ka at ina-acknowledge yung effort mo. Nakaka-inspire yon, nakakataba ng puso,” sey ng aktor.

Hindi raw naman siya nag-i-expect na manalo sa PMPC, pero malaking tulong daw ito sa trabaho niya if ever he wins.

Ibinalita rin ni Baron sa amin na medyo nahirapan siya talagang tanggalin ang katauhan ni Gustavo sa kanyang sarili.

“I went to Subic, nag-recharge ako. Namana ako ng isda, nag-soul searching tapos nag-island hopping para makalimutan ko si Gustavo. I was there for almost a week,” kuwento niya.

Dagdag pa niya, nu’ng umalis daw siya ng Subic, nawala na rin si Gustavo. “Pakiramdam ko bumalik na ako sa dati. Thank God.”


112015-BARON_main.jpgMalugkot namang nabanggit sa amin ni Baron ang health condition ng kanyang nanay na si Mommy Grace. Pabalik-balik daw ito sa hospital for check-up and medication dahil may sakit ito sa puso at may problema sa kidney.

“Ayaw naman niyang magpa-confine. Gusto niyang umuwi rin ng bahay. Siguro naiinip siya sa hospital,” sabi pa ng aktor.

Dahil sa pangyayari, kailangan daw niyang makahanap pa ng maraming trabaho para masuportahan ang kanyang butihing ina.

“Ako lang naman ang inaasahan niya saka yung sister kong nasa States (Amerika). Yung ibang kapatid ko naman, meron na silang sariling pamilya. Kailangan kong magtrabaho para sa mama ko,” malungkot niyang pahayag.

When I asked Baron kung kumusta naman ang health condition niya, sinigurado niya sa amin na okey naman siya.

“Hindi na ako umiinom. Yung social drinking na lang na hindi maiwasan paminsan-minsan lalo na kapag may party, pero yung tulad ng dati, hindi na ganu’n.

“If sometimes na gustung-gusto ko talagang uminom, sa bahay na lang. At least, mag-isa lang ako, si mommy lang yung nakakakita sa akin,” biro pa niya.

After Nathaniel, wala pang bagog teleseryeng gagawin si Baron. But he is hoping na sana ay magkaroon na ulit siya ng trabaho as soon as possible.