Celebrities react on heavy traffic caused by the APEC

These stars share their thoughts on the effect of APEC on the roads of Metro Manila.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/19/2015 5:05 AM
Celebrities react on heavy traffic caused by the APEC


111815-celeb_main.jpgIba't ibang reaction ang nakuha natin mula sa ilang celebrities sa matinding trapik ngayon sa Metro Manila dulot ng APEC na nagaganap ngayon hanggang sa Huwebes.

Si Iza Calzado na taga-Makati, late nakarating sa kanyang engagements kahit na sa Makati rin ang venue ng mga ito, pero naintindihan nya naman daw ang sitwasyon.

"Makati kasi thats where a lot of them are staying so ramdam ko. Pero what are we to do? We also have to give them priority," sabi ng aktres.

Si Pokwang naman, ang positive side ng sitwasyon ang inisip, na makakasama niya ng matagal ang pamilya dahil sa bakasyon.

"Sa isang banda nagpapasalamat pa rin kami sa APEC, mahaba ang bakasyon," sabi ng komedyana.

Wala naman pagbabago ang lahat kay Gerald Anderson dahil kahit walang APEC sa bansa, trapik pa rin.

"Kailan ba naging problema ang trapik? Kahit walang APEC marami pa rin ang nagreteklamo sa trapik. 'Yun po talaga ang kailangan ayusin natin para maging efficient ang lahat."

Kay Wendell Ramos naman, hindi nagkukulang ang government at ginagawa pa rin nito ang mag abiso in advance kung anong mga lugar ang affected ng trapiko.

"Yan ang mga scenario sa bansa natin na kailangan natin tanggapin. Mayroon naman sila mga advisory or nag update naman sila before handa para wag maging hassle," reaksyon ng Pasion de Amor star.

Alert level naman daw si Candy Pangilinan sa news at social media para di uminit ang ulo niya sa kalye.
.
"Dapat mas maaga ka aalis sa bahay mo dahil hindi mo alam kung kailan isasara ang kalyeng ito. Talagang on my toes ako ngayon nakatutok ako sa balita sa social media ganun, oo naapektuhan ang sked ko."

At si Direk Wenn Deramas, simple lang ang naging solusyon, umalis ng mas maaga para hindi ma-late sa pupuntahan.

"Ang ginawa namin sobrang aga umalis ng bahay para wag magkaroon ng aberya," pagbabahagi ng direktor.