• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto and Erik Santos nervous about their APEC performances

Angeline Quinto and Erik Santos nervous about their APEC performances

Angeline reveals she will be singing some songs for the first time.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/19/2015 5:08 AM
Angeline Quinto and Erik Santos nervous about their APEC performances


111815-ericangeline_main.jpgIlan sa mga local entertainers na naimbitahan para mag perform sa nagaganap na APEC ngayon sa bansa ay sina Angeline Quinto at Erik Santos. Dalawang beses magpe-perform si Angeline sa magkaibang shows at sa kanyang unang pagkanta, solo niya ang stage at divas medley ang kanyang aawitin.

"Actually medyo mahirap po ang mga songs na kakantahin ko doon. Sila po kasi ang pumili tapos yung sa amin naman ni Erik yung 'This I Promise You' po. Talagang pinaghahandaan ko po ito, yung iba first time ko rin kakantahin like Celine Dion, Mariah Carey, at Whitney Houston (laughs). Sana mabuhay si Whitney at samahan ako doon," pagbabahagi ng singer.

Marami na siyang naging singing engagements pero extra special daw para kay Angeline ang performance niya para sa APEC.

"Isa pong napakalaking pribilehiyo bilang isang mang aawit ang maging parte po ng apec. Pinili po kami para kumanta sa first ladies ng APEC. Kapag mga ganitong celebration talagang sobrang proud din ako at para ito sa lahat ng mga Pinoy."

Pareho naman ang nararamdaman si Erik Santos na makaka-duet si Angeline, na papanoorin ng mga asawa ng world leaders ng APEC sa Intramuros.

"This time medyo nakaka-kaba kasi first time namin kumanta sa isang intimate lunch with some of the first ladies sa mundo," kwento pa ni Erik.

Bukod kay Angeline at Erik, nag-perform din sina Darren Espanto at JK Labajo para sa isang gathering para sa Presidente ng Mexico.