• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador talks about reuniting with her father after six years

Janella Salvador talks about reuniting with her father after six years

Janella Salvador makes a surprise visit to her dad.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/18/2015 5:06 AM
Janella Salvador talks about reuniting with her father after six years


111715-JANELLA_main.jpgMagiging busy ang pasko ngayong taon para sa teen star na si Janella Salvador dahil isa sa official entries ng 2015 Metro Manila Film Festival ang horror na pelikula ng Regal Entertainment na Haunted Mansion.

Sa media conference para sa pelikula, nag open up si Janella sa personal na aspeto ng kanyang buhay partikular na sa muli nilang pagkikita ng personal ng kanyang ama, ang former vocalist ng Rage Band na si Juan Miguel Salvador.

"Six years ago pa po the last time na magkita kami and ang saya lang na nagkita kami ulit after a very long time. May blessing yun ni mommy, nagpunta kami sa isang private singing engagement ni Daddy and nagulat siya ng nilapitan ko siya after niya kumanta."

Ayon pa kay Janella, hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya sa tagpong iyon kasama ang kanyang ama na matagal ‘di nakasama.

"Mahirap explain yung masaya ka na kinakabahan parang finally nagkausap din kami at nagkita."

Bilang arrista marami na ang nakaka-miss kay Janella sa mga teleserye ng ABS-CBN. Good news na sinabi ni Janella na in the works na ang susunod niyang project pero secret daw muna ang detalye tungkol dito.