• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Anjo Damiles admits he felt threatened by Sam Milby joining ‘Doble Kara’

EXCLUSIVE: Anjo Damiles admits he felt threatened by Sam Milby joining ‘Doble Kara’

Anjo Damiles admits his admiration for Julia Montes is only just a crush.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/18/2015 5:07 AM
EXCLUSIVE: Anjo Damiles admits he felt threatened by Sam Milby joining ‘Doble Kara’


111715-ANJO.jpgHindi na lang sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles ang lalaking involved sa karakter ni Julia Montes sa afternoon series na Doble Kara. Pumasok na rin sa serye si Sam Milby.

Hindi ba siya nati-threaten sa biglang pagpasok ng karakter ni Sam sa Doble Kara?

“Na-threaten din po ako nu’ng una at nagulat na, ‘uy, ba’t pumasok si Sam, papasok din ba siya sa love triangle namin?’ Pero habang tumatagal po, naiisip ko na wag akong ma-threaten kasi this is the job na pinasok ko. Talagang may papasok at papasok na mga karakter, so kung anong mangyari, I will just go with the flow, trabaho lang,” reaksyon ni Anjo na gumaganap bilang Andy sa Doble Kara.

Sa interbyu niya noon sa Gandang Gabi Vice, ipinangalandakan ni Anjo na crush niya si Julia. Nag-request pa nga siya na kunin ang phone number nito. Pero ayon sa binata, hanggang ngayon, hindi pa rin daw niya ito nakukuha.

“Alam n’yo po ba, ‘To Leo, sa totoo, gusto ko talagang kunin sa kanya kahit personal pero wala pa rin po talaga akong lakas ng loob na makuha.

“Nag-uusap naman po kami. May Viber group naman po kami, nakikita ko yung text messages niya, siyempre, ayoko naman pong kunin don. Siyempre, gusto ko naman pong kunin galing sa kanya mismo,” natatawa at kinikilig na kuwento binata.

Eh, ano ba ang naging reaksyon ni Julia nang malaman nitong crush siya ni Anjo?

“Ngingiti-ngiti lang po siya sa taping. Parang natural lang po kung paano kami nagkakilala, wala naman akong nakita na parang biglang naging awkward yung feeling niya.

“Ako po ang nahiya kasi nagulat din ako na parang bakit ko kinuha (sa TV pa), but deep inside, kinikilig talaga ako nasasayan kasi may tumulong sa akin na kumuha non,” sagot niya.


111715-ANJO.jpgAyon pa sa binata, naghahanap pa rin daw siya ngayon ng tamang timing para makuha ang number ni Julia.

Aware ba siya sa balita na may “something” sina Julia at Coco Martin?

“Nababalitaan ko naman po, naririnig-rinig ko rin po pero ako naman po kasi, paghanga lang yung nararamdaman ko sa kanya. Crush lang naman po. Matagal ko na rin po siyang crush nung Mara Clara days pa lang po niya.

“And siguro, hanggang do’n na lang po ako. Hindi na po hihigit pa sa manliligaw... hindi na po ako manliligaw kasi hanggang dito lang po talaga ang tingin ko sa kanya—paghanga lang po. Hinahangaan ko lang po siya bilang isang magaling na aktres, bilang magandang babae,” katwiran niya.

Dagdag pa ni Anjo, kahit pa raw malaman niyang single si Julia, hindi raw niya ipu-pursue ang panlilgaw dahil wala pa raw siyang napapatunayan.

“Isa rin po yon. Wala pa naman po akong napapatunayan sa mga tao, kakasimula ko lang po. Hihintayin ko muna po siguro na may mapatunayan ako bago ako gumawa ng ibang bagay,” he said.

Tatlong taon nang walang girlfriend si Anjo. Gusto raw muna niyang mag-focus sa career at makatulong sa kanyang pamilya kaya ayaw muna niyang makipagrelasyon.