• Home
  • Fresh Scoops
  • Allen Dizon says he’s not after an award in doing new indie film

Allen Dizon says he’s not after an award in doing new indie film

Allen Dizon says he does not want to use an acting award as a motivation to do his job well.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/18/2015 6:05 AM
Allen Dizon says he’s not after an award in doing new indie film


111815-ALLEN_main.jpgMay bagong pelikula ang multi-awarded actor at gumaganap na ama ni Julia Montes sa afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara na si Allen Dizon. Si Allen ang bida sa Sekyu ng BG Productions na idinirek ni Joel Lamangan.

Bago sumabak sa iba’t ibang international film festivals abroad—21st Kolkuta International Film Festival sa India at sa 14th Dhaka International Film Festival sa Bangladesh—nagkaroon muna ng special screening ang Sekyu sa Fishermall.

Ayon kay Allen, nahirapan siyang gawin ang Sekyu dahil kasabay niya ring tini-taping ang Doble Kara.

“Nahirapan ako kasi sabay ko sila ginawa. Iba ang approach ng acting sa Doble Kara, malaki ang galaw at doble ang emosyon. Pagdating sa pelikula, dapat ma-maintain mo yung ‘realism’ at ‘nuances’ na approach,” kuwento ng aktor.

“Kumbaga, malaking adjustment ang ginagawa ko. May mga kaso pa na 6 a.m. ako napa-pack-up tapos direktso na sa syuting ng 8 a.m. Hirap ding umarte kapag puyat, kasi gusto mo na lang matulog,” dagdag pa niya.

Base sa napanood namin, mahusay ang pagkaka-portray ni Allen bilang isang security guard na may matinding isyu na dapat i-resolve tungkol sa kanyang asawa (played by Sunshine Dizon).

Umaasa ba siyang muling mananalo ng best actor awards sa bagong pelikula?

"Mahirap yung umaasa ka na magkaka-award sa bawat project na ginagawa mo,” sagot agad niya.

“Kasi pag ganu’n, magiging conscious ka sa performance mo, mas merong effort. Hindi na magiging natural. Ang motivation ko kasi lagi, dapat magampanan ko lang nang maayos yung role tapos masaya na ako,” katwiran pa niya.

Dahil sa Magkakabaung ay nananalo noon si Allen ng 3 international at 6 na local awards sa pagiging best actor.


111815-ALLEN_main.jpgGutom pa ba siya na makatanggap ng award?

“Pakiramdam ko, solve na solve na ako sa dami ng awards na nakuha ko sa Magkakabaung na lahat naman hindi ko in-expect. If bibigyan pa ulit ako, honor pa rin yon,” he said.

Naikuwento naman ni Allen ang karanasan niya sa pakikipagtrabaho kay Direk Joel.

"Masaya ako dahil nagka-work ulit kami ni Direk Joel tapos si Sir Ricky Lee pa ang writer. Malaki ang utang na loob ko kay Direk Joel. Itinuturing ko siyang mentor kasi halos lahat ng pelikulang seryoso na nagawa ko ay siya ang director.

“Nanalo na rin ako sa ilang pelikula na pinagsamahan namin. Actor’s director talaga siya. Pipigain ka niya hanggang sa makuha mo ang acting na gusto niya.

“Dito sa Sekyu ang dami kong matitinding eksena. Highly emotional. Grabe kasi ang pinagdaanan ng karakter ko dito bilang ordinaryong security guard,” kuwento pa niya.

Samantala, bukod sa Sekyu ay natapos na rin ni Allen ang pelikulang Iadya Mo Kami sa direksyon ni Mel Chionglo at Walang Katapusang Edsa ni Alvin Yapan.

May Cinemalaya movie in siya titled Lando at Bugoy at hanggang next year pa siya mapapanood sa Doble Kara.

“Blessed lang talaga ako dahil nagagawa ko yung gusto kong gawin lalo na sa pelikula. Nagpapasalamat ako sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa akin,” sey pa ng award-winning actor.