• Home
  • Fresh Scoops
  • Fashion designer Paul Cabral shares story behind the APEC barongs he made

Fashion designer Paul Cabral shares story behind the APEC barongs he made

Paul Cabral says he wants to showcase the artistry of Filipinos.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/17/2015 6:08 AM
Fashion designer Paul Cabral shares story behind the APEC barongs he made


111615-PAULC_main.jpgPara sa magaling na fashion designer na si Paul Cabral, pinaka malaking project na dumating sa kanyang career ang maatasan na gumawa ng mga barong tagalog na isusuot ng world leaders sa APEC na magsisimula ngayong araw. Ito na rin daw ang pagkakataon para mai-showcase ang talento ng Pinoy sa fashion industry.

"Siyempre tuwang tuwa ako sabi ko wow! For me, Parang ito na yata ang pinaka malaking project na pwede hawakan ng isang designer kasi ‘di ba I’m a Filipino designer ang audience ko Philippines pero ito international thing, siyempre ang audience ko dito buong mundo,” pahayag niya.

Apat na buwan ang naging proseso sa paggawa ng mga barong tagalog mula sa konsepto, research at pagburda nito na lahat ay mga Pinoy ang gumawa at nag-isip.

"Ang naging inspiration ko is to be able to showcase the Filipino talent na parang gusto ko patunayan na talented tayo mga Pinoy at marami tayong products na pwede sabihin na world class. We decided to make a different design for every economy na darating parang ang ginawa ko is reserached on the arts and culture of every economy tapos yun ang naging inspiration natin sa burda ng bawat barong tagalog," paliwanag ng designer. 

Proud si Paul sa mga barong at sana daw ay maging instrumento ito para mai-angat ang husay ng ating mga kababayan.

"Siyempre sobrang proud to be a Filipino, proud na nai-showcase natin ang national costume natin na barong tagalog with a different twist because of the embroidery."