Sikat na young actor, very generous sa kanyang pamilya

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

11/15/2015 11:09 PM
Sikat na young actor, very generous sa kanyang pamilya


111615-BI.jpgNakakatuwa naman ang isang sikat na young actor.  Kasi, hindi siya maramot.  Anlaki na rin naman ng kinikita niya bilang artista: sa teleserye at mga endorsement na milyon-milyon ang halaga. 

Heto nga't may nagtsika sa akin na binilhan niya ng brand new car ang father niya kahit pa hiwalay naman ang parents niya. 

At take note, pati mga kapatid sa ama, binilhan niya ng tag-isang sasakyan, ganun niya kamahal ang mga kapatid niya. 

Nauna na riyan ang pagbili niya ng house and lot para sa kanila ng mom niya at mga kapatid niya sa ina. 

Namana niya ang pagiging generous sa pamilya sa kanyang tito na kilala rin sa showbiz. 

At in fairness, hindi inaawat ng ina ang pagiging generous ng anak sa ibang pamilya ng ama. 

Kaya naman tingnan nyo naman si bagets, sikat na sikat ngayon at ang huli naming alam, heto't kinuha itong endorser ng isang pulitikong tumatakbong Presidente sa halagang magkano?  Basta 8 figures ang usapan, kaya pinakamababang alok diyan ay P10M.  O, ‘di ba? Nasa kanya na ang lahat?

Eh, mabait na anak at kamag-anak, kaya naman bine-bless ng mga projects si bagets.