• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Wenn Deramas says "Wang Fam" is ready to face "The Hunger Games" in cinemas

Exclusive: Wenn Deramas says "Wang Fam" is ready to face "The Hunger Games" in cinemas

The director also addresses bashing issues regarding his comment on an MMFF entry.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/16/2015 5:07 AM
Exclusive: Wenn Deramas says


111615-wennderamas.jpgIpalalabas na sa Nov. 18 ang latest movie ni Direk Wenn Deramas sa Viva Films na Wang Fam starring Pokwang, Benjie Paras and alot more. After ng showing ng Wang Fam, susunod naman sa Dec. 25  (Metro Manila Film Festival) ang Beauty and the Bestie na pinagbibidan naman nina Vice Ganda, Coco Martin, James Reid at Nadine Lustre.

Kinakabahan pa ba siya kapag may pelikulang ipalalabas?

“Honestly ha, wala na ako talagang... siguro mas tamang sabihin na nae-excite ako. Tapos, ipapasa-Diyos mo na lahat lalo na kapag alam mong tama naman yung ginawa mo,” sagot sa Push.com.ph ng box-office director.

Dagdag pa niya, “Kasi ako, may panukalang batas ako sa sarili  ko lalo na ngayon, na kung nagkataon na hindi kagandahan yung nagawa ko, aapila mismo ako sa producer ko na ‘puwede ko bang ayusin?’ Tapos pag kinapos na tayo ng budget, ‘puwede bang huwag muna nating ipalabas at hanapan muna natin ng tamang playdate.’ Yung ganu’n.”

Very confident din daw siya na magugustuhan ng tao ang Wang Fam.

“With Wang Fam, naging very brave si Boss Vic (del Rosario) na walang takot ibangga sa Hunger Games, pati sa A Second Chance nina Bea (Alonzo) at John Lloyd (Cruz), at ako din naging confident na papanoorin ka hindi dahil sa artista lang, hindi dahil sa kung sino yung nagdirek kung hindi dahil very entertaining yung pelikula,” pahayag pa niya.

Kinuha na rin namin ang reaksyon niya tungkol sa pamba-bash ng fans ng isang loveteam na kasama sa pelikula nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na entry din sa MMFF.

Tila hindi ata nila nagustuhan ang naging pahayag noon ni Direk Wenn na sina Vic at Ai-Ai ang dapat bigyan ng credit kapag kumita ang kanilang MMFF movie.

“Eh, wala naman akong sinabing pangit ah,” giit agad niya. “Ang sa akin lang, huwag nating i-discredit yung Ai-Ai and Vic Sotto na matagal nang namamayani sa mga filmfest, sa mga pelikula at sa industriyang ito.

“Hindi nila yon dapat masamain kasi ang tawag doon ay respeto. Una, hindi ko siniraan ang AlDub, hindi ko sisiraan ang AlDub dahil hindi ko rin naman sila kilala nang personal. Hindi ko  sila nakakatrabaho, di ba?” reaksyon niya.

“Ang sa akin, hindi ko puwedeng i-discredit ang kayang ibigay at gawin ng Vic Sotto at ng Ai-Ai delas Alas sa isang pelikula,” dagdag paliwanag pa niya.

Idinagdag pa ng director na alam niya ang pakiramdam ng sinisiraan kaya never niya raw itong gagawin.

“Tao ako at nag-iisip. Direktor ako, alam ko ang ginagawa ko at hindi ko yon gagawin kung alam kong makakasakit yan sa grupo ng mga fans, kahit ng walang fans. Hindi mo maiisip na gawin yon.

“Ang sa akin lang, naniniwala ako sa strength nina Vic at Ai-Ai at hindi yon masama para sa pelikula nila. Wala akong nakikitang masama doon,” paglilinaw pa niya.