Atty. Persida Acosta of PAO tries her luck in acting

Atty. Persida Acosta gives updates on PAO’s latest accomplishments and her experience working on a movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/15/2015 9:20 AM
Atty. Persida Acosta of PAO tries her luck in acting


111515-attypersida.jpgHumarap sa entertainment press si Atty. Persida Acosta para magpasalamat at magbigay ng ilang updates sa latest accomplishments ng Public Attorneys Office (PAO) na kanyang pinamumunuan.

Naging malapit ang PAO Chief sa showbiz media when she started hosting her TV show Public Atorni at maging part ng Face to Face na parehong napapanood noon sa TV5. Visible din siya sa kahit anong TV station for guestings.

Masayang ibinalita ng abogada na katatapos lang makakuha ng Doctorate degree on Social Development (PhD) nung June, na patuloy na umuusad ang kaso kay Aldrin Cudia na hindi pinayagang grumaduate noon sa PMA.

Tulungan po ninyo akong manalangin na sana ay mabigay na ng Supreme Court sa PMA yung kanyang credentials para maka-enroll na siya sa UP College of Law.”

Isa rin sa malaking achievement ng PAO ay ang pagkakapanalo ng kaso nila laban sa Sulpicio Lines. “Nanalo po tayo sa 64 civil cases sa RTC 49 ng Manila. P241 million damage po ang inaward ng korte para sa mga namatayan,” balita pa niya.

Ang bagong tinututukan ngayon ni Atty. Acosta ay ang kaso naman ng Tanim Bala sa NAIA. Na-dismiss na raw ng mga piskal ang limang kaso na hawak nila dito.

Inamin ng magiting na abogada na dahil kontrobersyal ang kaso ng Tanim Bala, hindi raw maiwasan na may nagbabanta sa kanyang buhay.

Kami po sa PAO, ginagampanan po lamang naming an gaming tungkulin. ‘Wag pong magalit yung taga Avsecom (Aviation Security Command), yung taga-OTS (Office for Transportation Security), yung mag nag-i-screen (sa airport), trabaho lang po, walang personalan.

Dahil may nagsabi sa akin na mag-ingat daw ako, sindikato raw ang binabangga ko. Ang sagot ko naman, kahit ang tao sabihin man nating miyembro ng sindikato, ipaliwanag lang natin sa kanila na ang kanilang kakainin pati ng kanilang mga anak ay dapat sa pawis nila manggagaling at legal. Hindi sa kotong,” mariin niyang pahayag.

Samantala, maraming nagkukumbinsi noon kay Atty. Acosta na tumakbong senador sa May 2016 tulad ni VP Jejomar Binay, ang Liberal Party, pero hindi niya ito tinanggap.

Sabi ko po, marami pa akong tatapusin sa PAO, tapos pumutok nga itong Tanim-Bala, so pag nawala ako, sinong magtatanggol dito sa mga biktima? Para sa akin po, may panahon para diyan. Siguro hindi pa ngayon,” katwiran niya.

Bukod sa PAO at TV hosting and guesting, may mahalagang papel din na ginagampanan ang magaling na abogada sa remake ng pelikula Angela Markado na sinulat at idinirek ni Carlo J. Caparas at pinagbibidahan ni Andi Eigenmann.

Siya raw ang gaganap na abogada at tagapagtanggol ni Andi. Hindi raw naman siya nahirapan sa role dahil parang true-to-life lang ito.

“Ibang klaseng experience pala ang pag-arte sa pelikula. Mas mahirap siya kesa maging abogada. Buti na lang, hindi ako pinabayaan ng director ko,” pabiro niyang pahayag.

Kung masusundan pa ang paglabas niya bilang artista sa pelikula ay hindi pa raw niya sigurado. Depende raw yon sa dami ng trabaho niya sa Public Attorneys Office.

Main Photo credit to persidaacosta twitter