• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil on possible first screen kiss with Liza Soberano: ‘Malay natin, baka sa next next film’

Enrique Gil on possible first screen kiss with Liza Soberano: ‘Malay natin, baka sa next next film’

Enrique Gil and Liza Soberano are grateful for the ‘unexpected’ success of ‘Everyday I Love You.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/14/2015 11:53 PM
Enrique Gil on possible first screen kiss with Liza Soberano: ‘Malay natin, baka sa next next film’


111415-lizquen_PUSH.jpgMasayang humarap sa ilang entertainment press sina Liza Soberano at Enrique Gil para personal na magpasalamat sa success ng latest movie nilang Everyday I Love You na prinodyus ng Star Cinema na extended pa rin hanggang ngayon in more than 100 theaters nationwide.

Pangalawang movie palang ito ng tambalang LizQuen after Just The Way You Are at na-surpass agad nila ang record ng una nilang pelikula.

Parehong hindi ini-expect nina Liza at Enrique na maghi-hit ang pelikula dahil ayon sa kanila, hindi raw nila alam kung ano ang magiging reaksyon ng fans at moviegoers sa pelikula.

“It was different kasi, it was more mature role, parang siguro, nasanay lang kami sa Forevermore, tapos Just The Way You Are, alam mo ‘yun, rom-com. So, eto with a serious tone, we weren’t as at home to this,” pahayag ni Enrique.

“But apparently, it did really good. I enjoyed it and siyempre with the director (Mae Cruz-Alviar) and with Ge (Gerald Anderson), it was really fun,” dagdag ni Quen.

Sobrang nagpapasalamat din si Liza na maging sa ibang bansa ay inabangan at kanilang pelikula ni Enrique. Yung mommy nga raw niya ay napanood ito sa San Francisco.

Kinantyahan naman ng press ang dalawa kung matutuloy na raw ba next movie nila ang pagkakaroon ng kissing scene na obviously ay nabitin sa Everyday I Love You.

“Malay natin, baka sa next next film,” biro ni Enrique.

Eh, ano naman ang magiging reaksyon niya if ever na hindi siya ang maging first kiss ni Liza sa screen?

“Naku, world war yan. Hahaha! Joke lang,” biro ulit niya.
111415-lizquen_PUSH.jpgHalata naman kay Quen na ini-expect din niyang siya ang magiging first kiss ni Liza sa screen.

“Pero siyempre, parang feeling ko, we made a mark na sa mga tao, sa mga puso ng mga tao, sa Forevermore, tapos sa Just The Way You Are, tapos sa Everyday… (I Love You), so feeling ko, pati sila, gusto nila.

“Pero matagal pa. Baby pa ‘to (Liza),” sabi pa niya.

Consistent naman si Quen sa pag-amin na may gusto talaga siya kay Liza. Sinabihan pa nga niya ito ng I Love You sa harap namin.

Eh, ano naman kaya ang sagot dito ni Liza?

 “Sumagot na po ako sa interview ko kay Tito Boy Abunda,” katwiran niya.

 “Hindi niya dapat malaman (yung sinagot ko). Dapat siya mag-search,” say pa ng dalaga.

Sa udyok kung puwede ba siyang mag-I love you too  kay Quen, sey ni Liza, “Sabi po kasi ng parents ko, huwag daw mag-a- I love you kung hindi pa kami.

Ibinuking naman ni Quen ang ka-loveteam nang sabihing, “Nag-I love you na sa ‘kin ‘yan, eh.”

Pero humirit ulit ang dalaga at sinabing, “nag-I love you naman ako sa kanya, nag-tweet pa nga ako, eh. Pero ‘yun po ‘yung I love you kasi he’s the person I’m with everyday, best friend ko siya, so siyempre, love ko siya.”