• Home
  • Fresh Scoops
  • Donna Villa and Carlo J Caparas return with remake of ‘Angela Markado’

Donna Villa and Carlo J Caparas return with remake of ‘Angela Markado’

Producer Donna Villa and director Carlo J Caparas return to making movies

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/14/2015 10:36 AM
Donna Villa and Carlo J Caparas return with remake of ‘Angela Markado’


111415-carlojcaparas_PUSH.jpgNagbabalik sa paggawa ng pelikula ang binansagan as Mega Couple na sina Donna Villa at Director Carlo J Caparas. Sila ang nagpauso ng "massacre films" noong dekada nobenta na sunod-sunod na tumabo sa takilya gaya ng Vizconde Massacre, Myrna Diones Story, Lipa Massacre, at marami pang iba. Ngayon binigyan ng bagong version ni Direk Carlo ang sarili niyang nobelang Angela Markado na una ng ginawa noon ng national artist na si Lino Brocka at nasa title role ang award-winning actress na si Hilda Koronel.

Sa 2015 version, si Andi Eigenmann ang personal na pinili ni direk Caparas dahil bukod sa maganda at mahusay umarte, nakikitaan nya daw ito na siya ang nababagay sa remake ng kanyang pelikula.

"Nai-direk ko na sina Vilma (Santos), Kris (Aquino), Sharon (Cuneta) sa mga pelikula ko noon. Sa performance dito ni Andi malayo ang mararating niya at hahanga kayo sa kanya."

Ayaw din daw ni Caparas na mag-suffer sa comparisson si Andi sa atake ni Hilda sa original film kaya iniba rin nila ang handle ng mahahalagang eksena.

"Walang reklamo si Andi dito payag siya kaagad kasi alam niya na ikagaganda ng pelikula. Yung mga scenes na sinasaktan siya ng rapists niya, totoo lahat yun hindi siya nagpa double."

Nagpasalamat naman si Andi sa malaking break na nakuha niya para sa pelikula kayat ibinalik niya lang ang blessing sa pagbibigay ng magandang performance. Naka-schedule na ipalabas ang Angela Markado sa December 2.

Main photo credit to filmcomment.com